Kabanata 63

312 18 3
                                    

"Excuse me,"nagmamadaling sabi ng babae muntik pa nitong matabig sila Patty at Marie na naghaharutan sa ikatlong palapag.

"Nagmamadali si ate, natatae yata." natatawang sabi ni Marie habang umiiwas kay Patty.

"Abnormal ka talaga. Huwag ka pupunta kay LJ." sabi ni Patty hawak nito sa dulo ang blouse na uniform ni Marie.

"Bitiwan mo ako. Kakagatin ko iyan kamay mo." natatawang sabi ni Marie habang winiwisik ang kamay ni Patty na nakahawak sa kanya.

"Kakainis ka Marie." hila ni Patty sa maharot na Marie. Hindi nito kayang pigilan ang kagaslawan ng katawan nito. Nabitiwan ito ni Patty at tumatawang tumakbo si Marie.

"Pagnakita ko si LJ. Yayakapin ko agad." birong sabi ni Marie na tumatawa pa.

"Lagot ka sa akin."sabi ni Patty pero lalong pang tumawa ng malakas si Marie.

"Hahahahahaha, kukunin ko iyong dyowa mo. Papalibre ako one to sawa." bumunghalit ito ng malakas na tawa.

"Baliw, huwag ka maingay, may nag eensayo diyan."sita ni Patty.

Nakita nito si Marie na binubuksan ang bawat pintong madaanan. Hinahanap nito ang Music Room kung nasaan si LJ.

"Langya ang dami palang kuwarto dito. Ano ito motel?" nakangising sabi ni Marie.

"Sira, bakit nakapasok ka na ba sa motel?" natatawang sagot ni Patty dito.

"Hindi, pero nababasa ko, kung anong itsura ng motel." nakangising sabi ni Marie.

Nasa kaliwang bahagi sila ng 3rd floor. Ang building na ito ay para sa mga Club o samahan ng iba't ibang grupo sa St. Valentine. Nakatayo ito malapit sa gym, Auditorium, Football field at mini theatre ng eskuwelahan.

Ang unang palapag nito ay parking area lamang, naka puwesto roon ang mga van na ginagamit sa mga events, field trips at kung may lakad ang mga grupo.

Sa ikalawang palapag makikita ang mga academic Club. Tulad ng Math Club, Book Club, English Club, Science Club, Filipino Club, History Club, Journalism at mga grupo na itinayo para sa pang akademiko.

Sa pangatlong palapag bandang kaliwa, makikita ang Music Club, Art Guild, Dance Group, Choir, may sarili rin bulwagan na nakapuwesto dito. Sa bandang kanan nito makikita ang locker room o rest room ng mga athelete tulad ng basketball, football, tennis, at ibang samahan na may kinalaman sa sports.

May pang apat na palapag ito kung saan mga kuwartong tulugan o pahingahan ng mga kalahok o ng miyembro ng mga naturang samahan o organisayon. Ginagamit ito kung may pagtitipon ang mga grupo at gagabihin ang mga ito. May cctv sa bawat sulok ng kuwarto at hallway ng bawat palapag kaya safe dito. Samahan pa na nirorondahan ito ng tatlong guard kada oras.

"Huwag kang bukas ng bukas ng pinto, mamaya may..." hindi pa naituloy ni Patty ng bigla isara ni Marie ang huling pintong binuksan at bigla itong tumawa ng malakas.

"Hahahahaha, may nakita ako. Pero hindi ko sasabihin." natatawang sabi ni Marie.

"Abnormal ka talaga. Huminto ka muna. Lakas ng energy mo. Hindi ka ba napagod tumakbo paakyat?" hinihingal na sabi ni Patty. Naisip ni Patty na matindi talaga si Marie para itong kiti-kiti gumalaw, wala itong kapaguran.

"O sige diyan ka lang. Marami-marami pang pinto ito." nakangising sabi ni Marie.

Malapit na si Marie sa Music Room ng akmang susunod na nitong buksan ang kabilang pinto. Nang bigla itong itulak ni Patty. Nawala sa puwesto si Marie, nakita nito ang tumatawang si Patty.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon