"Ano ginagawa mo dito?" galit na sabi ni LJ.
ng bumungad sa pinto ang taong matagal na niyang iniiwasan.Nasa Music Room siya ng araw na iyon para mag ensayo sa gagawing party ng St. Valentine.
Isa iyong mini concert para sa pagpupugay ng mga kalahok na kasali sa iba't ibang tournament sa labas ng paaralan. Ginagawa ito taon-taon para maengganyo na lalo mapabuti ng mga mag-aaral na kasali sa timpalak ang pakikipag laban sa ibang eskwelahan. Kabilang sa mga ito ang lahat atleta, mga academic contestant, kalahok sa beauty pageant, artist guild tulad ng pagpipinta, solo vocal, choir, at dance group.
Ang pagtitipong ito ay dadaluhan ng lahat ng kalahok sa tournament, mga empleyado ng Academy, mga stockholders, mayayaman at mga respetadong panauhin at media. Isa itong okasyong inilalathala pa sa pahayagan at ibinabalita sa telebisyon at radyo.
"Gusto lang kita kausapin." nahihiyang sabi ni Kat. Pumasok siya ng masigurong sila na lang dalawa ni LJ sa loob ng kwarto.
Kanina pa tinitingnan ng dalaga ang loob ng Music Room, sinisipat kung nag-iisa na lang ba ang lalaking matagal na niyang gustong kausapin. Limang taon din silang nag-iiwasan at kahit nga ba magkakasalubong sila sa hallway, canteen, classroom o kahit saang lugar sa loob at labas ng St. Valentine para silang mga hangin lamang na dumadaan sa isa't isa.
"Wala tayong pag-uusapan. Lumabas ka na at busy ako." Sabi ni Steven, bakas ang pagdisgusto sa presensya ng dalaga.
Ilan buwan din siyang hindi pinatahimik ng babaeng nasa harapan ni LJ mula ng lokohin siya nito. Ang babaeng minahal at nirespeto niya. Aminado siyang unang sulyap niya dito ay nagustuhan na niya ang dalaga. Pero hindi niya matanggap na ginamit siya nito para sa sariling kaligayahan.
Ang babaeng nasa harap niya ang pinakamasakit na nangyari sa buhay niya. Pagmamahal na inakala niyang tutumbasan ng dalaga. Pagkabigo na nauwi sa trahedyang akala niya hindi na siya makakabangon.
Nang araw nakita niyang katabi ito ni Rod sa kama ng bahay ng kaklase nila, lasing at halos nakahubad. Hindi niya matanggap na ang panlolokong ginawa nito ay sa kamay pa ng matalik niyang kaibigan. Nasusuklam siyang makita ang babaeng sumira ng pagkakaibigan at muntik ng makasira ng buhay.
Nang pag-kaalis niya ng gabing iyon, naaksidente ang kotseng minamaneho niya. Pinagamot siya sa Amerika at ilang buwan din doon, ang alam ng lahat nag-transfer lang siya ng paaralan. Pero pagkatapos ng limang buwan bumalik si LJ baon ang sakit at pag kapoot sa babaeng kaharap.
"Wala na akong oras, kung hindi ngayon baka hindi na kita makausap." nagsusumamong sabi ni Kat. Alam ng dalaga na nasaktan niya itong lubusan.
"Bakit may taning na ba ang buhay mo at mamamatay ka na?"nang uuyam na sabi ni LJ, na halos hindi man lang makuhang sulyapan si Kat.
"Bakit iyon ba ang gusto mo? Ganoon ba katindi ang galit mo sa akin?" sabi ni Kat. Hindi niya magawang magpaliwanag dito dahil kinabukasan ng pangyayari nila ni Rod, hindi na ito pumasok sa St. Valentine. At nagpakita ito sa Academy, limang buwan matapos ang insidente.
"Hindi naman ako kasing sama mo para hangarin iyon." nang iinsultong sabi ni LJ. Wala siyang balak tingnan man lang ang dalaga sa harap niya. Wala na siyang nararamdaman pagmamahal dito kundi pagkasuklam na lamang.
Ang ganitong kaamong mukha na kinahumalingan niya ay may itinatagong sungay na muntik na niyang ikawala sa mundo.
"Ilang buwan na lang kagraduate na tayo. Gusto ko magpasalamat sayo. Dahil sayo andito ako sa pinangarap kung eskuwelahan. Dahil sayo nakamtan ko iyong scholarship na ipinagdamot sa akin ng kapalaran. Ibinigay mo sa akin iyong mga bagay na mahirap abutin ng isang katulad ko."sabi ni Kat. Gusto niya umiyak ang taong nasa harapan niya ang lalaking una niyang minahal at ang tao ring pinagplanuhan niya para makuha ang pinapangarap niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...