Kabanata 33

385 30 1
                                    


"Ano sa tingin niyo ginagawa niyong dalawa?" nanggagalaiting sabi ni Rod na nasa harapan na nila Ella at Lance.

Nakita nito ang pagdating nila Lance at LJ sa lokasyon nila Ella. Matiim niya itong pinagmamasdan habang nagtatawanan sila kasama si Nicole na halos ayaw siyang lubayan. Nang makita ni Rod ang binabalak ni Marie. Kilala niya ang kaibigan ni Ella puro ito kalokohan at alam niya may binabalak itong laro.

Nawala ang atensyon ni Rod sa mga kasama ng makitang binigyan ni Marie ng chocolate ang mga lalaking kasama at pinagtabi ang mga ito kala Ella at Patty. At tama ang nasa isip niya sa larong gagawin ni Marie. Nag iinit ang ulo niya ng makitang hinawakan ni Lance ang baywang ni Ella.

Tinabig niya si Nicole na kanina pa nakahawak sa kanya at halos takbuhin na niya ng makitang maglalapat na ang daliri ni Lance sa labi ni Ella.

"Fuck, maliwanag ang paligid niyo. Hindi niyo ba nakikitang maraming tao at nakatingin sa inyo." namumulang sabi ni Rod.

"Oh, easy ka lang. Hindi ka kasama sa mga model ko bakit ka andito?" nakaangil na sagot ni Marie kay Rod.

"Ikaw anong naisipan mo sa mga pinaggagawa mo?" galit na baling nito kay Marie.

"Wait lang ha. Bakit pinakikialaman ba naming iyong ginagawa niyong lampungan sa umaga ng linta mong kasama," matabil na sabi ni Marie itinuro pa nito ang mga kasama ni Rod na papalapit na rin sa kanila.

"Damn, ano ka sa palagay mo director ng porn movies?" asar na tanong ni Rod kay Marie.

"Pare, easy ka lang. wala naman kami ginagawa." Natatawang sabi ni LJ dito.

"Anong wala? Gusto mo lang iyang ginagawa mo? Silent maniac ka rin ano." Nakangising sabi ni Rod kay LJ na ikinanuot ng noo ni LJ.

"Ano ba problema mo pare?" hindi na matiis na sabi ni Lance.

"Ikaw, bakit kailangan mo isubo iyang madumi mong daliri sa bibig ni Ella?" galit na sabi ni Rod kay Lance.

"Oh hiyang hiya naman ako sayo pare. Baka naman naiinggit ka lang?" nakangising sabi ni Lance.

Maya maya may babaeng sumingit sa usapan at hinalikan si Rod. Hindi lamang iyon dampi sa labi French kiss na maituturing iyon. Binuka ng babae ang bibig ni Rod at naghalikan ang dalawa na parang walang taong nakatingin. Naglalaro ang mga dila ng mga ito at halos ilang segundo rin ang tinagal noon.

"Ohhhhh". Halos sabay sabay na sabi ng mga estudyanteng nasa Valpark.

"Shit," sabi ni LJ at niyakap nito si Patty at inilagay ang mukha nito  sa dibdib ni LJ para hindi makita ang dalawang naghahalikan.

Tiningnan ni Lance si Ella na nakatulalang nakatitig kala Rod. Hinatak ni Lance si Ella at niyakap ang mukha ng dalaga na nasa dibdib na rin ni Lance para hindi nito tuluyang makita ang pwede pang gawin ng dalawa na nasa harapan nila.

Binalingan ng natutulalang si Marie ang mga kasama ni Rod na tumatawa pareho at walang pakialam.

"Wooow," halos sabay na sabi pa ng dalawang kumag na kaibigan ni Rod. Nakuha pa ng mga itong mag appear at magtawanan.

Natauhan si Rod ng marinig ang iyak ng isang babae. Yakap ito na mahigpit ni Lance.

"Ella," humahangos na sabi ni Steven. Tumakbo ito ng makitang nagkaumpukan sa parteng iyon ng park katatapos lang ng practice nila sa gym at kasama niya si Eric. Naabutan pa nila ni Eric ang halikang iyon sa park.

"Nakita mo?" galit na tanong ni Eric kay Marie, na ngayon ay tumatangong nakatulala pa rin sa nasaksihan. Nahulog pa nito ang cellphone ni Ella sa damuhan sa tindi ng shock nito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon