Nang makita ni Ramon ang tuluyang paglubog ng katawan ni Tiffany bigla itong lumusong sa lagoon. Hinawakan niya si Tiffany sa baywang nito para makaahon. Walang malay ang dalaga ng sagapin niya ito. Nang may marinig siyang mga sigaw na papalapit.“Tiffany…. Tiffany..” sigaw ni Arthur. Nang sinabi ni Patty na hinahabol si Tiffany ni Ramon agad siyang bumaba para hanapin ang dalaga. Sa gawing kanan daw ito pumunta na malamang nasa ValPark ito nakatakbo.
Nakita niya ang upos ng sigarilyo malapit sa damuhan. Agad pang naghanap si Arthur ng marinig niya ang kaluskos ng tubig. Pinuntahan niya ito at inalam.
Naiahon na ni Ramon si Tiffany mula sa tubig, pero wala pa rin itong malay, na maaaring nakainom ito ng tubig. Inihiga niya ito sa damuhan. Hindi niya alam kung paano gawin ang first aid sa dalaga.
“Tiffany?’bulalas na sabi ni Arthur ng makitang basa ng tubig si Ramon at si Tiffany habang walang malay na nakahiga ang dalaga.
“Shit, bakit ka nandito?”takang tanong ni Ramon.
“Anong ginawa mo sa kanya?”ganting tanong ni Arthur dito.
“Damn,”nasabi na lamang ni Ramon. Naisip niyang kung hindi niya gagawin ang first aid sa dalaga malamang si Arthur ang gumawa noon, na hindi niya mapapayagan.
Inilagay niya sa dibdib ng dalaga ang kanyang mga kamay at isinagawa ang CPR o Cardiopulmonary Resuscitation. Pero wala itong epekto sa dalaga.
“Damn, hindi ganyan.”nag aalalang sabi ni Arthur ng ma-realize nito na nalunod ang dalaga. Hinatak nito si Ramon at umupo sa harapan ni Tiffany na wala pa ring malay.
Tiningnan ni Ramon si Arthur, wala siya magawa ng tingnan na lamang niya si Arthur. Marahan at tama nitong ginawa ang pagsagip kay Tiffany. Ilang beses nitong ginawa iyon at nilapat ang bibig sa bibig ni Tiffany.
Maya-maya naubo si Tiffany at nilabas ang tubig na nainom. Tiningnan nito ang taong nag CPR sa kanya.
“Ok ka na?”nag-aalalang tanong ni Arthur. Nabigla siya ng niyakap siya ni Tiffany.
Tiningnan ni Arthur si Ramon na matalim na tumingin sa kanya.
“Tiffany anong nangyari?’ tanong niya dito.
“May nakita akong ahas, tapos nadulas ako sa lagoon.”namumutlang sabi ni Tiffany. Tiningnan niya si Ramon na basa rin ang suot. Kaya alam niyang ito ang nagligtas sa kanya sa tubig.
Tumayo si Arthur para bigyang daan si Ramon na papalapit na sa dalaga. Umupo si Ramon at tinabihan si Tiffany.
“Are you ok?” nag aalalang sabi ni Ramon. Tiningnan nito si Tiffany at ininspekyon kung may galos o tuklaw ito ng ahas.
“Oo, salamat.”sabi ni Tiffany hindi niya napigilan umiyak at nayakap ito sa takot na nararamdaman ng dalaga. Kung wala doon si Ramon malamang nalunod na siya.
“Sorry, hindi ako magrunong mag CPR.” sabi ni Ramon at ginantihan ng yakap si Tiffany.
Naramdaman ng dalaga ang higpit na yakap ni Ramon. Naramdaman niya ang init ng katawan nito at saka lang niya napagtanto wala itong pang itaas na damit.
“Ahmmm, tatawagin ko lang sila Ms. Luz.”sabi ni Arthur. Akmang aalis ito ng magsalita si Ramon.
“Huwag na ako ng bahala. Pag hinanap siya sabihin mo sumakit iyong ulo, at umuwi na.”seryosong sabi ni Ramon. at tinitigan si Arthur. Tinitiyak niyang ito na ang una’t huling pagdampi ng labi nito kay Tiffany.
“Ok, bye Tiffany. Ok ka naman siguro sa kanya.”sabi ni Arthur. Iniwan na niya ang dalawa nasisiguro naman na niya na okay na ang dalaga kay Ramon base na rin sa pagkakayakap nito kay Ramon kanina.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...