Kabanata 29 -SPG-

543 29 3
                                    


"Halikan mo ako." sabi ng babae at hinatak nito ang leeg niya papalapit sa mukha nito.

"What?" gulat na sigaw ni Dennis sa babaeng lumapit sa kanya.

Nasa Cee-Mall siya ng oras na iyon. Gusto niya mapag-isa, at malayo muna sa mga kaibigang pakiramdam niya'y sinulutan siya ng babae. Nasa ikalimang palapag siya ng mall na may mini bar, kung saan pribadong lugar iyon at hindi nakakaakyat ang kung sinuman. ....

Naalala pa niya ang dahilan ng pag-iisa.....

(flash back)

Kinabukasan ng araw pagkatapos ng insidente sa library kasama ng mga kaibigan, nalaman niya mula sa pinsang niyang brat na si Joyce, na gawa gawa lamang nito ang picture na ipinakita nito sa kanya. Nasa isip pa niya at hindi makalimutan ang araw na kausap niya ang pinsan.

"Cous, nakarating sa akin iyong news kahapon regarding doon sa girl na kinaladkad ni Ramon. I think Tiffany yata iyong name nung girl." Maarteng sabi ni Joyce nakahawak pa ito sa sintido na halatang nagkukunwaring nag iisip.

Nasa swimming pool si Dennis ng araw na iyon at nakahiga sa bench, ng dumating ang pinsan.

Nagtaka si Dennis sa inasal ng pinsan mukhang nasa mood na naman itong asarin siya para makahinge ng pera sa kanya. Kung si Joyce lang ang pag uusapan. Laki sa layaw ang babae, nag iisang anak kaya lahat ng bagay ibinibigay dito. Bukod pa diyan menopause baby ang pinsan kaya sobrang mahal ito ng Uncle niya, na kapatid ng mama niya.

Madalas siyang asarin nito para bigyan niya ito ng pera. Akala ng pinsan isa siyang bangko na kada segundo pwede maglabas ng pera. Hindi naman niya mapahindian ito. Nag iisang pinsan lamang niya kasi. Walang kapatid ang dady niya at ang momy niya ay isa lamang ang kapatid, ang uncle niya.

"Himala Joyce natututo ka ng makibalita sa mga nangyayari sa Academy." Natatawang sabi niya, balak niyang makipaglaro sa pinsan at sa kanya naman ang huling halakhak.

"Bakit hindi mo siya tinulungan, cous?" nakakunot noong tanong ng pinsan sa kanya.

"Bakit ko naman tutulungan iyon?" nagtatakang tanong ni Dennis.

"Cous, grabe ka. Napakasama mo sa future wife mo." Maarteng sabi ni Joyce na waring nagulat pa ito sa sinabi niya.

Hindi maintindihan ni Dennis ang sinasabi ng pinsan. Mukha kasi itong nabubuang o kadalasan talaga buang ang pinsan niya. Aktong magtatakip siya ng librong binabasa para tumigil ito sa kakasalita ng agawin ng pinsan ang libro at ibinato sa swimming pool.

"Damn it, Joyce. Alam mo bang kabibili ko pa lang noon at sa ibang bansa pa galing iyon?" naaasar na sabi ni Dennis habang tinitingnan na lamang nito ang kaawa- awang libro na lumulutang na ngayon.

"You need to listen to me, bago pa makuha ni Ramon iyong fiancée mo. Or else your father will dishenrited you." sigaw nito.

Naaasar siya sa pinsan kahit ang pag sigaw nito ay maarte. Maarte talaga ito magsalita na para bang kahit umiyak ito ay parang artistang nagdadrama. Sinabihan na niya dati ito na mag artista at sigurado pasok ito agad, kontrabida nga lang. Na ikinainis nito at iyon ang araw na hindi siya binigyan ng allowance ng ama dahil sa ginawa nito sa pinsang, umiiiyak na nagsusumbong sa dady niya.

"Cut that crap Joyce. Pagod ako sa training naming sa football." Nabubugnot na sabi ni Dennis dito. Kumuha ito ng pera sa wallet at akmang ibibigay sa pinsan para lubayan na siya nito.

"Oh ito. Get it. Then please leave me alone for a while." Sabi ni Dennis sabay abot na lilibuhing pera kay Joyce.

Walang ano-ano kinuha iyon ng pinsan at hindi niya expected ang sunod na ginawa nito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon