Kabanata 45

369 21 2
                                    

"Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" nakangising sabi ni Rod kay Ella.

Nasa parking lot sila ng St. Valentine pero parang hindi pa ito kumikilos at nakatingin lamang kay Rod.

"Wala kang balak magbihis?" nakakunot noong sabi ni Ella. Mula kanina hindi pa nagpapalit man lang ng pang itaas si Rod.

"Hindi naman ako mabaho. Okay na ito." sabi ng binata at inamoy pa ang damit nitong pang itaas.

"Kanina pa iyan eh. Natuyuan ka na nga ng pawis sa kaharutan mo." sabi ni Ella. Kinapa pa nito ang likod ni Rod.

"Ok na ito. Baba na tayo malalate ka na." pagtangging sabi nito na tinanggal na ang seatbelt ni Ella..

"Hindi na magbihis ka na. May nakita akong t-shirt doon sa bag mo sa likod. Sandali." sabi ni Ella dumukwang ito sa likuran ng sasakyan para maabot at kinuha ang t-shirt ni Rod.

"Mamaya na lang. Hatid mo na kita sa classroom mo." pag-aatubiling sabi ng binata.

"Pag sinabi ko magbihis ka. Magbibihis ka. Naiintindihan mo?" naaasar na pautos na sabi ni Ella. Hinagis nito sa mukha ni Rod ang kinuhang t-shirt ng binata.

"Ito na, magbibihis na." nakangiting sabi ni Rod. Hinubad nito ang t-shirt habang nakatingin si Ella.

Napabalikwas si Ella ng biglang maghubad si Rod, hindi man lang siya pinatalikod nito. Nakita niya ang katawan nito. Ganito siguro ang katawan pag athlete. Kahit bata pa si Rod, maganda na ang katawan nito. Napangiwi siya ng biglang niya uli mapansin ang naiwang bakas ng kagat niya dito kanina. Natuyo na ang dugo doon. Pero hindi ito kabawasan sa binata na ikinangiti ni Ella.

"Satisfied?"nakangising sabi ni Rod sa dalaga ng mapansing titig na titig ito sa katawan niya.

"Unti, may nakikita akong ganyan sa mga magazine, 6-pack pa ang abs nila." nakangising ganting sabi ni Ella dito.

"Ikaw gusto mo lagi nahahalikan ko? Lagi mo ako iniinis eh." asar na sabi ni Rod.

"Mukha mo! Ayusin mo na nga iyan damit mo." sabi ni Ella binaba nito ang t-shirt ni Rod, na nakataas pa sa dibdib nito.

"Langyang lalaki ito ang ganda ng katawan," pilyang sabi ni Ella sa sarili at pinagmamasdan pa rin ang katawan ni Rod habang binababa niya ang t-shirt nito.

"Nakakailang tsansing ka na sa akin." nakaismid na sabi ni Rod. Pag hindi ito tinigilan ni Ella baka magawa niya mismo sa loob ng sasakyan, ang kanya pa niyang pinipigil na init.

"Makatsansing ka naman. Sandali iyong mukha mo, para kang pinagpapawisan. Malakas naman ang aircon ng sasakyan mo." pilyang sabi ni Ella. Kumuha uli ito ng towel sa bag ni Rod at pinunasan ang namuong pawis sa noo ng binata.

"Pag hindi mo tinigilan iyan, lalabas kang wasak dito" nakangising sabi ni Rod. Nilapit nito ang mukha kay Ella at hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Hindi pa ito nakuntento hinalikan nito isa-isa ang daliri ng dalaga.

Natauhan si Ella sa ginagawa ni Rod, bawat halik nito sa daliri niya parang may boltahe ng kuryente na dumadaloy sa kanyang katawan.

"Walang hiya ka. Bakit may kuryente ka?" nagulat na sabi ng dalaga at hinatak nito ang kamay kay Rod.

"Hahahahahaha, friction ang tawag doon sweetheart. Ganoon tayong dalawa pag nagdidikit." natatawang sabi ni Rod sa nanlalaking mata ni Ella.

"Hindi friction iyon, kamanyakan mo iyon." sabi ni Ella at nauna na itong lumabas ng kotse ni Rod na tumatawa pa rin sa reaksyon niya.

Napahinto ang dapat paglalakad na sana ni Ella ng may pumaradang magarang sasakyan sa harapan niya.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon