Kabanata 88: Demons

347 26 8
                                    

(Just open and listen the chapter theme song)

Kanina pa tinitingnan ni Ella si Marie mukha itong hindi mapakali mula ng bumalik ito mula sa paghila nito kay Dennis. Nag-aalala siya sa kaibigan at baka may ginawa dito na hindi maganda si Dennis.

"Marie okay ka lang ba?" tanong ni Ella sa kaibigan. Nasa Council Room sila at hinihintay ang ibang makakasama sa pag-aayos ng mga classroom na gagamitin sa contest.

"Mukha bang hindi?" sabi ni Marie naka upo ito si sofa at nakatingin lamang sa kamay nito.

"Medyo. Gusto mo ng mani." sabi ni Ella. Kakaiba kasi ang kaibigan at mukha itong may malalim na iniisip.

"Meron ka ba diyan?" tanong ni Marie. Kumuha si Ella sa bulsa at ibingay kay Marie.

"Ang unti naman nito. Bakit ito binibili mo tig-pipiso. Hanggang leeg ko lang ito hindi aabot sa talampakan ko." angal ni Marie ng ang ibinigay ni Ella ay tigpipisong mani na nabibili sa tindahan. Mas gusto niya kasi ay iyong nabibili na niluluto.

"Choosy ka pa? Pagtiyagaan mo na iyan." sabi ni Ella at humiga ito sa sofa.

"Patty, akin na lang iyang milk tea mo." sabi ni Marie kay Patty nasa laptop ito ni Jaycee at may ginagawa.

"Kunin mo, sayo na. Mukha ka kasing stress kanina pa." sabi ni Patty ng balingan si Marie, ngumingiti pa ito na tumutok uli sa laptop.

"Langya ka Patty anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Marie ng mapansin na parang may kakaibang ginagawa si Patty sa laptop ni Jaycee. Tumayo ito at kinuha ang milk tea ng kaibigan.

"Huwag ka maingay, may bagong concert si Kian sa Sabado na. Gusto niyo magpareserve tayo ng ticket, kahit hulihan na puwesto, sigurado mamaya sold out na ito?" mahinang saad ni Patty.

"Hindi na kailangan Patty." nakangiting sabi ni Marie. Umupo muli sa sofa at itinaas pa ang paa nito sa center table.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Patty. Naisip niya malamang hindi ito papayagan sa concert kaya umaayaw ang mga ito.

Pumunta si Ella sa may pintuan para silipin kung may taong paparating ng masigurong wala pumunta ito sa conference table kung nasaan ito. Inilabas ni Ella ang apat na VIP ticket sa concert ni Kian.

Napatili si Patty sa nakita at hindi makapaniwala na makakanood siya first time ng concert ni Kian at VIP pa. May kamahalan kasi ang ticket nito at kulang lagi ang pera niya tuwing nag-iipon.

"Saan mo kinuha? Sino nagbigay? Paano mo nakuha?" sunod-sunod na tanong ni Patty habang tinitingnan ang ticket ni Kian.

"Binigay ni Kian sa akin." bulong na sabi ni Ella at kinindatan pa si Patty.

"Langya ka, ang bilis mo. Paano kayo nagkita? Alam ba ni Rod?" tanong uli ni Patty.

"Nagtext siya sa akin kinabukasan after ng party, may ibibigay daw siyang regalo para sa apat na magagandang dilag na nakilala niya. At hindi niya malilimutan at tayo iyon." tumitiling sabi ni Ella pero tinakpan ni Marie ang boses nito.

"Saan mo kinuha iyan? Paano niya inabot sayo?" tanong ni Patty tatlong araw na ang nakaraan mula ng mag mini concert ito, malabong ibigay ito matapos ang party dahil ang alam niya after ng concert umuwi agad si Kian.

"Kaninang umaga." tipid na sabi ni Ella.

"Paano nangyari iyon? Hindi ba sabi mo kanina ka pa sinusundan ni Rod mula sa labasan ng Academy. Hindi niya nakita si Kian.?" nagtatakang tanong ni Patty.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon