Sa bahay ng mga Tuazon....
Naghahapunan sila Ella ng mga oras na iyon ng may kumatok sa pintuan.
"Ako na lang Ella?"sabi ni Steven na akmang tatayo si Ella.
"Hindi anak, ako na lang. Kumain lang kayo diyan."saad ni Mrs. Lilian.
Maya-maya tiningnan ni Ella ang gawing pintuan ng hindi pa bumabalik ang ina. Tiningnan niya si Steven na parang nagtatanong.
"Maaa..."tawag ni Steven sa ina.
"Sandali lang mga anak. May bisita kasi nakakahiya naman. Hindi pa naman ako masyado nakapaglinis."sigaw na sagot nito.
Narinig nila na may pumasok sa may pintuan dahil nakatalikod si Steven sa gawing iyon, hindi nito nakita ang dumating. Pero si Ella naumid ang dila sa nakitang bisita.
"Ma, sino ba iyan?"tanong ni Mr Diony.
"Pa, galing Academy. Pinatatawag daw si Ella ng isa sa may-ari."ganting sigaw ni Mrs Lilian.
Tumungo ito ng kusina at naghanda ng juice at graham cake na gawa nito.
"Nakakahiya naman. Buti may gawa ako nito. Ang guwapo nung dumating parang anghel na bumaba sa lupa."nakangiting sabi ni Mrs Lilian na ikinanoot ng noo ni Steven at Mr Diony.
"Hahahaha, si mama talaga mapag-biro." natatawang sabi ni Ella.
"Hoy bata ka. Bilisan mo diyan sasama ka doon sa lalaki na bumisita kasi nakakahiya pag pinaghintay mo." nakangiting sabi ni Mrs Lilian
"Bakit 'ma, saan pupunta si Ella?" seryosong tanong ni Steven. Gabi na at wala ng opisina sa Academy ng mga oras na iyon kaya nagtataka siya kung bakit kailangan sumama ni Ella.
"Ito iyong sulat basahin mo. Saka huwag ka masyado magsalita na hindi maganda. Tandaan mo scholar ka rin sa St. Valentine baka matanggal ka. Pag may sinabi kang masama."payong sabi ni Mrs Lilian kay Steven.
Nagtataka si Ella kung bakit siya pinatatawag, alam niyang si Rico ang nasa sala. Ngumiti ito sa kanya ng masilayan siya nito at nakita niya ang dalawang dimples nito na hinahangaan niya.
"Sino ba iyong bumisita? Gabi na. Bakit hindi bukas na lang tutal may pasok naman bukas?."istriktong tanong ni Steven.
"Ikaw naman bata ka. Basahin mo na lang itong sulat."saad ni Mrs Lilian habang nagmamasid lamang si Mang Diony.
Hindi binasa ni Steven ang sulat, tumayo ito at pumunta sa sala na ikinagulat ng tatlong nasa mesa.
Naririnig ni Rico ang pag-uusap ng mga ito kaya nakahanda siya sa puwedeng gawin ni Steven sa mukha niya.
"Langyang Rod ito, mukha akong nanliligaw nito." pinagpapawisan na sabi ni Rico sa sarili ng marinig ang yabag ni Steven.
Napansin ni Rico na nakita na siya ni Steven habang papalapit ito. Kunot-noo itong nakatitig sa kanya.
"Grabe naman makatitig itong kuya. Kawawang Rod." naiiling na sabi ni Rico sa sarili.
Tinitigan ni Steven ang nakaupo sa sala, nakatingin ito sa kanya. Noong una aakalain mo si Rod pero iba ang aura nito mukha itong matino kaysa sa kamukha nito.
"Good evening, I'm Rico Cheung. Pinapunta ako dito, ng isa sa may-ari ng St. Valentine, para sunduin si Ella. May sasabihin lang daw siya sa kapatid mo." pormal na sabi ni Rico. Kinakabahan din siya dahil sa nanunuring mata ni Steven isama pa ang tatay nito na sumunod dito at kapareho nito tumingin.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
Storie d'amoreAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...