Kabanata 81

261 18 3
                                    

"Sir okay na po si Ms Ella." nakangiting sabi ni Odeza ang make-up artist na pinapunta ni Mrs Cheung sa bahay nila Ella.

Sabado ng araw na iyon at busy ang lahat sa bahay nila Ella, hindi nila inaasahan ang pagdating ng make-up artist at hair dresser na pinapunta ni Mrs.Cheung. Akala ni Ella hindi na ito matutuloy dahil sa mga nangyari noong mga nakaraang araw.

Pero saktong alas kuwatro ng katukin siya ng Aling Lilian. Naka idlip siya ng mga oras na iyon, wala na nga siyang balak pumunta kaso hindi pumayag ang kuya Steven niya. Pinalantsa na ng mama niya ang dapat niyang susuutin sa naturang party.

"Bunso, bumangon ka may dalawang baklang dumating at aayusan ka daw. Pinadala ni Mrs Cheung iyong may-ari ng St. Valentine." aligagang sabi ni Aling Lilian sa anak na natutulog.

"Ma, mamaya na lang. Kahit late na ako pumunta doon." tinatamad na sabi ni Ella. at tinakpan pa ng unan ang ulo niya.

"Hindi puwede anak. Nakakahiya naman sa mga iyon at baka magsumbong kay Mrs Cheung." nag-aalalang sabi ng mama niya.

Hinila siya nito at inalog para gumising ng tuluyan. Nang may mapansing malaking karton sa paanan ng kama niya.

"Ma, ano iyan?" takang tanong ni Ella sa kartong hindi naman biro ang pagkakabalot.

'Iyan daw ang susuutin mo, may partner iyang sapatos. Sinabi na daw sayo dati iyan." sabi ni Aling Lilian.

Napabangon si Ella, ang akala niya binawi na ng momy ni Rod ang damit at sapatos na ipinakita nito sa kanya. Agad-agad siyang bumangon at sinilip iyon.

'Wow, anak ang ganda. Mukhang mamahalin." napapahangang sabi ni Aling Lilian sa anak.

"Ano sabi ni kuya dito?" tanong ni Ella, alam niyang magagalit iyon at hindi papayag na tumanggap ng kahit na ano kala Rod.

"Sinabihan na namin ng papa mo. Kaya ayon sumang-ayon din. Hindi naman puwede tanggihan iyan at baka pag-initan kayo at tanggalin sa Academy." sabi ng mama ni Ella.

Iniladlad niya ang damit at iginiya sa katawan niya.

"Anak, maligo ka na. Nakakahiya sa mga mag-aayos sayo. Pinapunta pa iyon ni Mrs Cheung." sabi pa nito.

Ilang oras din siyang inayusan, nakatali ang buhok niya pataas at simpleng make up lang para daw bumagay sa magandang niyang mukha.

"Sir okay na po si Ms Ella."nakangiting sabi ni Odeza ang make-up artist na pinapunta ni Mrs Cheung sa bahay nila Ella.

Naghihintay si Lance sa sala nila Ella siya ang magsisilbing date nito ngayong gabi. Si Steven ang nagbiay pahintulot para samahan niya si Ella sa para gabing iyon. At dahil ka-date naman ni Steven si Alyssa ang cheer leader ng basketball team.

Tumayo si Lance para makita ang pagbaba ni Ella, may mga photographer pa na ipinadala si Mrs. Cheung para makita daw nito ang pag aayos kay Ella at master piece ng mga tauhan ng ginang.

Namangha si Lance ng makita si Ella, nakasuot ito ng black dress na tube type. Halatang mamahalin ang tela noon, simple pero elegante ang dating. Inilabas ng damit ang gandang tinataglay ng dalaga. Simpleng lang din ang make-up nito na bagay sa edad ni Ella.

Sinalubong ni Lance si Ella sa hagdan at nginitian siya.

'Ang ganda mo talaga." bulong na sabi ni Lance na ikinapula ng mukha ni Ella.

"Huwag mo ako biruin." bulong na sagot nito kay Lance.

Nagpaalam ang mga tauhan ni Mrs Cheung at nginitian ng mga ito si Ella.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon