Papunta si LJ sa parking lot para kunin ang naiwang pyesa, alas nueve na ng gabing iyon pero maingay pa rin sa Academy dahil sa mga nag-eensayong estudyante. Nang mamataan niya si Rod na nininigarilyo sa labas ng kotse nito. Habang papalapit si LJ napansin niya ang natutulog na si Ella sa unang bahagi ng sasakyan ni Rod.
Namataan ni Rod ang papalapit na si LJ alam niyang nakita nito kung sino ang nasa loob ng sasakyan niya. Kagagaling lang nila sa hospital ni Ella ng makatulog ang dalaga. Ayaw na muna niyang gisingin ito dahil halatang dalawang araw na ito hindi makatulog sa iniindang sakit.
"Pare, hindi naman yata tama, iyang ginagawa mo para kay Ella." sabi ni LJ habang binubuksan nito ang pinto ng sasakyan na naka park malapit sa sasakyan ni Rod.
"Anong alam mo sa tama?' sarkastikong sabi ni Rod habang ibinuga nito ang usok sa bibig.
"Kung maglalaro kayo ng tropa mo, doon kayo sa may alam makipaglaro sa inyo." naka tiim bagang na sabi ni LJ. Binuksan nito ang sasakyan at may kinuha sa loob.
"Bakit hindi mo iyan sabihin sa sarili mo?" natatawang sabi ni Rod. Sinulyapan nito si Ella na mahimbing pa ring natutulog.
"Hindi ako naglalaro, Rod. Alam mo iyan." tipid na sabi ni LJ, ng nakuha na ang pyesa sinarado na nito ang pinto ng sasakyan.
"Pareho lang tayo LJ. Huwag kang mag-malinis. Nagbago ka lang naman noong nakita mo kami ni Kat. Pero kung tutuusin mas masahol ka pa sa amin." nakangising sabi ni Rod, na ang tinutukoy ay nang naabutan sila ni LJ sa kama ni Kat.
Humarap si LJ kay Rod. Ibinuga ni Rod ang huling usok mula sa sigarilyo nito, itinapon sa may paanan at tinapakan iyon. Nang hindi magsalita si LJ muli nagsalita si Rod.
"Hindi ka makapagsalita? Paano kaya kung malaman ni Patty kung sino ka talaga?" natatawang sabi ni Rod sa binatang nagtitimpi sa galit.
Sinulyapan ni LJ si Ella halatang tulog pa ito nakakumot dito ang jersey jacket ni Rod.
"Magkaiba tayo Rod. Ikaw kinakama mo lahat ng babae, ng walang pagmamahal. Ako, kahit kailan hindi ko ikinama ang isang babae na wala akong nararamdaman. Wala ka ng ibang ginawa kundi maghanap ng babaeng paglalaruan mo Rod. Hindi ka ba naaawa sa batang iyan? Sinisira mo ang buhay niyan. Pinaglalaruan mo lang siya." seryosong sabi ni LJ. Nilingon muli nito si Ella.
Hindi niya maisip na kayang gawin ni Rod paglaruan ang isang dose anyos na bata. Ito ang pinakabatang nakarelasyon ng dating kaibigan.
"Huwag ka mag alala. Hindi ko pa siya ikinakama. At kung naglalaro man ako, akin na lang iyon. Look at yourself Lukaz Jeremy, para kang maamong tupa sa lahat. Pero hindi nila alam kadugo ka rin namin nila Dennis at Ramon. Kamusta na pala iyong babaeng gina...." hindi pa naitutuloy ni Rod ang sinabi ng tumama na ang suntok ni LJ sa mukha niya.
"Damn you. Wala akong ginawa sa babaeng iyon. Alam niyong lahat iyon." galit na sabi nito. Muli nitong sinulyapan si Ella na kumilos mula sa pagkakatulog.
Sinulyapan ni Rod si Ella, ng makitang tulog pa rin ito binalingan nito si LJ.
"Huwag kang makikialam sa mga bagay na gusto ko gawin. Wala kang alam sa relasyon namin ni Ella. Asikasuhin mo ang girlfriend. At ang ex girlfriend mo na gusto mo pa rin. Ayusin mo muna ang sarili mong nararamdaman bago mo ako pakialamanan." sarkastikong sabi ni Rod hinimas nito ang suntok ni LJ na hindi naman ganoon kalakasan. Dahil na rin siguro nababahala rin itong magising si Ella.
"Huwag mo paglalaruan si Ella, Rod. Isa ako sa makakalaban mo." galit na sabi ni LJ bago ito tuluyang umalis.
Naglalakad na si LJ palayo sa parking lot. Hindi niyang hahayaan matulad sa kaniya ang dating kaibigan. Minsan na siyang napagbintangan gumahasa ng isang babaeng mas bata sa kanya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...