“Ella gusto mo tawagan natin ang number ng cellphone mo, mahigit isang buwan na iyon mula ng nawala. Hindi ka ba nagtataka. Nagriring lang siya.”sabi ni Marie.Nasa kalagitnaan sila ng pagrereview sa bahay nila Ella. Pero si Marie halos walang balak itigil ang kakatipa sa cellphone nito.
“Huwag na. Kasi baka sira ulo pa ang may hawak niyan. Hayaan mo na lang.” sabi ni Ella na hindi man lang nililingon ang kaibigan.
“Anong hayaan? Ilan beses na ako tinatanong ni Eric, halos hindi ko na alam isasagot. Biruin mo naitago mo sa loob ng mahigit ha... mahigit isang buwan ang pagkawala ng cellphone mo. Ang tindi mo talaga, friend” nahihiwagaang sabi ni Marie.
“Ano ba itinatanong? Saka haleer Marie hindi naman madalas mag text sila mama, papa at kuya Steven sa akin. Kasi hindi naman ako gala katulad mo. Madali akong hanapin and take note nasa tamang oras ang pag uwi ko. Pag mala late naman ako ng uwi. Siyempre makikitext ako sayo. Kunwari lobat ako. Hahaha,” naiiling na sabi ni Ella.
“Edi ikaw na pinaka mabait na anak at kapatid. Wala naman kasi maghahanap sa akin. Si lola tiwala naman iyon sa akin. Ang tibay mo nga. Ako talaga pinananggalang mo pagdating sa late na pag uwi mo.” Nakaismid na sabi ni Marie.
Nakahiga na ito sa kama ni Ella at tuluyan ng isinara ang libro nito na hindi naman binasa.
“Nale-late naman ako ng may dahilan,” ngising sabi ni Ella.
“Pero pangungunahan kita kasi narinig ko sila Steven pagdating ko dito kanina. Hindi ka daw makontak ni Eric, ilang beses nagriring iyong number mo pero hindi ka sumasagot. Eh, nasa kuwarto ka lang naman daw,” sabi ni Marie na dumapa at nangalumbaba sa kama.
“And, so? Ano naman ngayon? Ibig sabihin noon hindi ako adik sa cellphone tulad mo,” ismid na sabi ni Ella.
“Kanina ka pa ha. Napapansin ko pailalim mo akong tinitira,”: nagtatampong sabi ni Marie
“Hahahahaha, shunge hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo. Nagtampo ka naman ikaw pa rin ang number one na bestfriend ko,” yakap nito kay Marie.
“Utot mo. Pero hindi nga, kasi alam mo narinig ko pa sila. Nang pang ilang tawag na daw ni Eric may sumagot daw sa number mo,”nahihintakutang sabi ni Marie.
“Eh, sino naman iyon?,” natatawang sabi ni Ella.
“Narinig ko sabi ni Eric, boses lalaki daw at English spoken daw,”sabi ni Marie na ngayon ay titig na titig kay Ella.
Napatigil si Ella sa ginagawa at hinarap na niya si Marie.
“Sabi ni Lance sa akin noong tinawagan niya ako, may lalaki din daw na sumagot. Hindi ko naman din sinasabi sa kanya na nawawala cellphone ko. Sabi ko na lang baka nag bounce lang iyong tawag. Di ba may ganoon? “ sabi ni Ella.
“Shungaw walang ganoon. Ano iyon party line caller. Sa landline lang iyon. Minsan kahit ubod ng talino ang tao, nababano din mag isip,” nakangising sabi ni Marie.
“Oo, parang ikaw Marie. Hahahahha,” tumatawang sabi ni Ella.
“Hala siya oh, hindi ako nakikipagbiruan. Hindi ka ba nababahala kung sino iyong kumuha ng cellphone mo,” takang tanong ni Marie
“Hindi, kasi kung sino man siya. Ibabalik niya ng kusa sa akin iyon. Kung sino mang hinayupak iyon titiyakin kong nasa akin ang huling halakhak,” natatawang sabi ni Ella
Pero sa loob ni Ella gusto niya rin malaman kung sino nga ang kumuha noon. Buti na lang naiclose at napalitan niya ng mga password ang lahat ng applications na nasa cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
Roman d'amourAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...