"Sino nag-basag ng monitor ko?" nagtatakang tanong ni Jaycee sa apat na naiwan. Bumalik na rin ang iba para simulan ang pag aayos sana ng program at gagamitin sa stage, pati na rin sana ang video clip. Kaso wala ng aayusin si Jaycee kasi bukod sa basag ang monitor gupit ang wire nito. Lahat ng cartolina sira-sira na pati ang mga kurtina gusot gusot at madumi na natapunan pa ng ink ang mga iyon.Nagkatinginan ang apat na naiwan...
"Bakit mo tinanggal?" asar na sabi ni Marie umalis ito sa puwesto at hinampas nito ng cartolina si Dennis hindi pa ito nakuntento binato nito ng mga ballpen at glue na nasa mesa ang lalaki.
"Ang dami niyo naman puwede tingnan iyong naka trunks pang lalaki." galit na sabi ni Rod hindi ito makapaniwala na ang dalawang kaharap na babae ay mahilig tumingin sa lalaking naka swimming trunks.
"Anong masama doon? Kayo nga tumitingin ng mga naka swimsuit na babae? Two piece bikini type pa ang hilig niyo." asar na sabi ni Ella. Umupo ito sa couch kung nasaan ang mga kurtina at sinundan ito ni Rod.
"Masama bang tumingin sa katawan ng lalaki? Langya andoon na makikita na namin ni Ella tapos binunot mo iyong saksakan. Alam mo bang minsan lang mag suot ng ganoon si Kian." naasar na sabi ni Marie hinampas pa nito si Dennis ng cartolina.
"Sino bang Kian mukha naman 'Salamat Dok' ang katawan." asar na sabi ni Dennis kinusot nito ang cartolina at ibinato kay Marie.
"Dapat ang tinitingnan niyong katawan iyong pang athlete. Athletic type, tulad namin ni Dennis." sabi ni Rod itinaas pa nito ang t-shirt at ipinakita ang katawan nito.
"Naku naman dalawang ito. Machong katawan ang hanap namin, hindi iyong bubot na katawan." napipikang sabi ni Marie. Inihagis nito kay Dennis ang pencil holder.
"Bakit ba kayo nagagalit?" asar na tanong Dennis ginupit gupit pa nito ang wire na pinutol kanina.
"Nakakabitin kaya. Alam mo ba ang pakiramdam ng nabibitin?" inis na sabi ni Marie ihinagis nito ang ibang papel sa mesa ni Jaycee kay Dennis.
"Haist nakakaasar." sabi ni Ella humiga ito sa sofa kung nasaan ang mga kurtina tumingin ito sa kisame. Hindi lang iyon ang nasa isip niya pati ang monitor na binasag ni Rod at wire na ginupit ni Dennis.
"Bawal ka makakita ng ganoon." sabi ni Rod nakatayo ito sa harap ni Ella habang nakahiga ang dalaga sa sofa.
"Iyong monitor binasag mo. Iyong ugali mo ayusin mo." napipikang sabi ni Ella dito.
"Huwag kasi kayo manood ng porn at tumingin ng mga lalaking nakahubad. Kababata niyo puro hubad na lalaki ang tinitingnan niyo." asar na sabi ni Rod tumabi ito kay Ella at umupo itinaas ang paa nito sa hita niya.
"Langya ka talaga kanina ka pa. Hindi mo ako tinitigilan, pati iyong katawan ni Kian hindi ko nakita dahil sayo." sabi ni Marie inihagis nito ang bote ng ink kay Dennis at umupo sa katabing upuan ni Ella.
"Hindi naman iyong katawan ang gusto mong tingnan, iyong ibon niya." inis na sabi ni Dennis at ibinato ang lalagyan ng ink babalik kay Marie. Laking gulat nila ng nabuksan iyon at natapon sa mga kurtina at sa damit ng apat.
"Ano ba iyan?." bigla tumayo si Ella at tiningnan ang kurtinang hinihigaan, hindi iyon basta bastang tela, mamahalin pa iyon at nagmula pa sa ibang bansa.
"Lagot ka na naman Denssio," nakangising sabi ni Marie ng makita ang ginawa ni Dennis wala ng mapapakinabangan sa mga kurtina.
"Ikaw ang lagot sinira mo lahat ng papel sa mesa pati mga ballpen hinagis mo." sabi ni Dennis habang pinupunasan ang tinta sa damit nito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...