(Just play the theme song for this chapter)
"Guys, kumain muna tayo." yaya ni LJ, nasa bahay sila ni Rod na nasa loob ng AcademyNaglalaro ng bilyar sila Ramon at Dennis, habang sila Tiffany at Patty ay nag-uusap. Kumakain naman si Marie ng mani na ibinigay ni Dennis. Sinulyapan ng binata si Marie binigyan niya ito ng mani para manahimik ito sa kakulitan, napangiti siya ng mukha naman ito kontento sa ginagawa.
Nasa labas ng bahay sila Rod at Ella, hindi pa rin pinapansin ni Ella ang binata. Nakatingin si Rod dito habang kinakalikot ni Ella ang cellphone.
"Wala ka bang balak kausapin ako? Kanina pa tayo nandito." inis na sabi ni Rod kay Ella. Hindi ito umimik at patuloy lang sa pagkalikot ng cellphone nito.
"Nakakaasar para akong kumakausap sa bato." sabi ni Rod, kalahating oras na silang ganito ni Ella, mula ng bumaba ng sasakyan hindi na ito nagsalita. Hindi rin nito kinakausap ang mga kaibigan sa loob. Tumayo si Rod at inagaw ang cellphone ni Ella.
"Ay, kanina ka pa. Hindi mo ako kinakausap. Ano ba kakausapin mo ako o hindi?" napipikong sabi ni Rod nang hindi pa rin umiimik si Ella, ibinato nito ang cellphone sa malayo.
"Bakit mo binato?" inis na sabi ni Ella. Tumakbo ito sa lugar kung saan itinapon ni Rod ang cellphone, hinanap ni Ella pero wala doon.
'Nasaan na iyon?" asar na sabi ni Ella at sinugod nito si Rod at hinampas.
"Ano ba?" sabi ni Rod ng paghahampasin siya ni Ella.
"Bakit mo binato? Saan na iyon? Hanapin mo iyon." napipikong sabi ni Ella at pinagpapalo nito si Rod.
"Masakit iyang ginagawa mo." sabi ni Rod at hinuhuli nito ang kamay ni Ella.
"Hanapin mo iyon." sigaw ni Ella at pinagtatadyakan na nito si Rod.
"Ayaw mo tumigil?" nakangising sabi ni Rod at hinuli nito ang kamay ni Ella at binuhat ito sa loob ng bahay na parang sako lang ng bigas.
"Ibaba mo ako." sabi ni Ella at hinampas nito ang likod ni Rod.
"Aiisssstttt, magkaibigan nga sila ni Marie." naiiling na komento ni Dennis na nagbibilyar pa rin. Habang kumakain na ang apat nilang kasama at si Marie nasa mesa ng bilyar at kumakain pa rin ng mani habang tinitingnan nito sila sila Ella at Rod.
"Sabi ko huwag mo ako aasarin." sabi ni Rod at isnalya nito si Ella sa sofa pahiga. Akmang tatayo ito ng ihiga uli ito ni Rod at hinuli nito ang mga kamay at itaas iyon at ipitin ng kamay nito at ang mga binti ni Ella ay dinaganan ni Rod.
"Ano lalaban ka pa?" nangingiting sabi ni Rod ng nasukol niya si Ella na hindi halos magagalaw.
"Pag nakawala ako lagot ka sa akin." asar na sabi ni Ella at sinubukan nitong kagatin ang mukha ni Rod.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...