Kabanata 44 -SPG-

458 20 0
                                    


Kinapa ni Rod ang susi sa secret pocket ng uniform ng short niya. Nang makita ang hinahanap binuksan ito at isinalya si Ella sa loob ng sasakyan.

"Aray ko kanina ka pa ha." sabi ni Ella. Nasa loob siya ng kotse ni Rod. Tiningnan ni Ella ang kotse pinagbagsakan niya isa lamang iyon Lamborghini Veneno na nagkakahalaga ng 4.5 million US dollar. Namangha siya sa ganda ng loob ng naturang sasakyan. Disisyete pa lang ang lalaking kasama niya pero may ganito ng kagarang sasakyan.

Pabalag na sinarado ni Rod ang sasakyan at matalim siyang tiningnan ni Ella sa backseat.

"Mag-ingat ka naman, baka masira mo." galit na sabi ni Ella. Halos magulat siya sa pagkakasara nito ng pinto na kung tutuusin, kung sa kanya iyon baka idisplay na lang niya sa bahay.

"Hahahahaha, bakit sa iyo ito?"naa-amuse na sagot ni Rod at umiwas sa akmang pagbatok sa kanya ni Ella.

"Magagalit ang momy mo pag nagasgasan ito. Maawa ka naman sa bumili nito."inis na sabi ng dalaga at muntik na niyang mabatukan si Rod kung hindi lang ito umilag uli.

"Hahahaha, para kang si momy. Ok lang iyan. Palitan pag nasira."nakaismid na sabi ni Rod na binuksan ang aircon ng sasakyan

"Loko loko ka talaga. Buti napagtya-tiyagaan ka ng nanay mo." naaasar na sabi ni Ella. Dahil hindi niya ito maabot tinanggal niya ang body bag na suot niya kanina at hinampas niya dito.

Sa lakas na ginawa ni Ella natamaan ang bahaging unahan ng sasakyan na nagpatawa lalo kay Rod.

"Hahahahaha lagot ka nasira mo."halos maluha na si Rod sa kakatawa lalo pa nakita niya ang pagkagulat sa mata ni Ella.

"Hala ka, hindi ko sinasadya. Ang kulit mo kasi." sabi ni Ella na dumukwang pa sa harapan ng sasakyan ni Rod para makita ang nahampas niya sa bahaging iyon ng sasakyan.

"Hahahaha, ano ba talaga dito ka sa harapan o sa likuran ka?"halos maiyak na si Rod sa kakatawa sa nakikitang takot sa mata ni Ella

Hindi mapakali si Ella wala siyang ganoong kalaking pera para ipambayad kay Rod. Malalagot pa siya sigurado sa parents nito.

"Tumabi ka diyan padaanin mo ako."sabi ni Ella at isiniksik ang sarili sa pagitan ng upuan para makarating sa harap.

Pagdating sa harapan kinuskos ni Ella ang bahaging natamaan. At kinuha ang cellphone niya.

"Anong gagawin mo sa cellphone mo?" nagtatakang sabi ni Rod.

"Pipicturan ko, tapos ipasok mo sa insurance para hindi ako magbayad sayo." seryosong sabi ni Ella. Kinuhanan ni Ella ng larawan ang bahaging iyon.

"Asar ka naman. Akin na nga yan,"sabi ni Rod at inagaw ang camera ni Ella

"Hoy, huwag mong nakawin ulit iyong cellphone ko. Kabibili lang nila papa niyan." sabi ni Ella at inaabot ang cellphone.

"Sandali ka lang. Kanina ka pa makulit. Pag hindi ka tumigil hahalikan na kita." pilyong sabi ni Rod na ikinatahimik ni Ella. Lumayo ito sa kanya at isiniksik ang sarili sa may pinto.

"Hahahahaha, iyan nag bebehave ka naman pala."nakangising sabi ni Rod. At kinalikot ang naturang cellphone

"Anong ginagawa mo?"mahinang sabi ni Ella. Ayaw niyang gumalaw at baka totohanin ni Rod ang banta nitong paghalik.

"Ilalagay ko iyong number ko sa number 1. Baguhin mo na lang iyong ibang nilagay mo dito. Iusog mo, basta ako ang dial one." sumeryosong sabi nito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon