(Just play the theme song for this chapter)
“Puwede makisabay?” nakangiting sabi ni Kian kay Ella sabay abot ng bulaklak kay Ella.
Pauwi na si Ella ng hapon na iyon. Pinauna na siya ni Marie umuwi dahil matatagalan ito sa ginagawang article sa Journalism. Wala na rin naman siyang maitutulong dun. At gusto nitong umuwi na si Ella para makapagpahinga.
“Hindi ba kabibigay mo lang sa akin ng bulaklak kanina sa canteen?” naiilang na tanong ni Ella ayaw sana niyang tanggapin pero hindi niya alam kung paano ang gagawin niya, na hindi mao-offend ang binata.
“Worth it naman na bigyan ka ng bulaklak.” sabi ni Kian. Napansin nito na parang paikang maglakad si Ella.
“Nakakahiya kasi.” mahinang sabi ni Ella. Ni hindi nga siya makatingin kay Kian kung dati halos kiligin siya dito pero iba na ang sitwasyon ngayon para kay Ella.
“Wait.” sabi ni Kian na nagpahinto sa paglalakad ni Ella. Tiningnan ni Kian si Ella at umupo ito.
Nagulat si Ella sa ginawa ni Kian ng sa pag-upo nito hinawakan nito ang binti niya na parang may tinitingnan dun.
“Napaano ito?” kunot-noong sabi ni Kian ng makita ang pasa sa tuhod niya. Hinawakan pa iyon ng Kian na nag-paaray kay Ella.
“Huwag mo hahawakan. Masakit.” sabi ni Ella at pinigilan nito ang kamay ni Kian.
“Nahihirapan ka maglakad gusto mo buhatin na lang kita.” nakangiting sabi ni Kian.
Tinitigan ni Ella si Kian, guwapo ito may killer smile itong tinatawag kaya marami ring mga fans ang binata. Matangkad, maganda ang katawan na halatang alaga sa gym, may pagka moreno. Singkit ang mata na akala mo laging nakangiti, matangos ang ilong at may manipis na mga labi mga katangiang kahuhumalingan ng kahit sinong babae.
“Satified?” pilyong ngiti ni Kian ng halos hindi kumurap si Ella ng titigan siya nito. Bigla itong namula sa sinabi niya.
“Okay lang.” sabi ni Ella at umiwas ito ng tingin kay Kian.
“Lugi naman kung ikaw lang ang tumitig sa mukha ko para pag-aralan.” nakangiting sabi ni Kian hinarap nito si Ella at hinawakan nito ang mukha ng dalaga.
“Huwag mo ako titigan. Naiilang kasi ako.” sabi ni Ella ng sinimulan ni Kian na titigan siya.
“Hahahaha, may utang ka sa akin. Lugi ako kasi napag aralan mo iyong mukha ko.Pero ikaw ayaw mong matitigan.” sabi ni Kian niyakap nito ang dalaga na ikinagulat ni Ella.
Nakita ni Kian na papalapit si Rod kaya niya niyakap si Ella, alam niyang susugod ito.
Malayo pa lang kita na ni Rod sila Kian at Ella na nagyayakapan at umiinit na naman ang ulo niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...