Kabanata 19

438 34 1
                                    

"Hi, Lance. Busy ka yata. Hinahanap kita sa canteen, lunch break na kaya." Nakangiting bungad ni Ella.

"Himala napadpad ka dito sa Art Guild, ano ba nakain mo?" tudyong biro ni Lance.

Nasa Art room ang binata ngayon at nagpipinta, miyembro ito ng naturang grupo at dito niya nakuha ang scholarship kaya nakapag aral siya sa St. Valentine.

Bata pa lamang si Lance mahilig na siyang mag pinta. Dahil sa bukirin siya lumaki mga tanawin ng palayan, bundok, gubat at mga dagat ang lagi niyang tema sa kanyang pagguhit. Nature's lover din siya kasali din siya sa mga mountaineer sa naturang eskwelahan. Ilan bundok na rin ang naakyat ng grupo nila.

Minsan lang siya gumuhit na ang tema ay tao bukod sa sarili at pamilya. Si Ella pa lang ang naguguhit niya bilang modelo. Hindi ito alam ng dalaga, palihim niya kasi itong iginuguhit. Kabisado ni Lance ang bawat anggulo ng mukha at katawan ng dalaga kaya madali sa kanyang iguhit ito.

"Kasi po Lance, naisip ko puntahan ka. Wala ako kasama mag lunch. May practice sila kuya, so wala rin si Kuya Eric. Then si Ella naman nasa Journalism at nag ka-copyread ng mga gawa ng kasama namin." nakangiting sabi ng dalaga at umupo sa katabing upuan ng binata.

Sila na lamang ang tao sa kuwartong iyon dahil nag tanghalian na ang mga kasama ng binata.

"Naiisip mo lang ako pag wala ka kasama, babe. Sakit naman noon."birong sabi ni Lance habang pinagpapatuloy ang pag pinta.

"Grabe ka naman. Hindi naman sa ganoon. Naalala kita talaga, kasi may atraso pa ako sayo. Remember hindi natuloy iyong pag gala natin sa mall," paliwanag dito ni Ella.

"So itutuloy natin ang date sa canteen," birong sabi ni Lance.

"Date? Hmmmnnn sige pwede naman." Naeexcite na sabi ni Ella.

Kababata ni Ella si Lance, mabait ito sa kanya. Kung tutuusin kung si Marie ang girl bestfriend niya, si Lance naman ang boy bestfriend niya.

Andyan ito lagi sa mga panahong malungkot siya, nahihirapan sa mga exam at pati na rin sa tagumpay niya. Present nga ito lagi sa mga dinadaluhan niyang event sa school, lalo na pag nakakatanggap siya ng award.

"Sabi mo iyan, babe ha. Walang urungan. Sandali ililigpit ko lang ito. Baka magbago pa isip mo,"natatawang sabi ni Lance habang nagmamadali nitong niligpit ang mga gamit.

Babe ang tawagan nila mula ng bata sila. Nagmula sa tuksuhan ng madulas silang dalawa s mga biik ng kapitbahay. Babe for baboy.

"Dahan dahan naman baka masira iyang pininta mo. Basa pa kaya." paalala dito ng dalaga.

"Uulitin ko na lang pag nasira. Kaysa ikaw naman ang magbago ng isip," birong sabi nito sabay kindat sa kanya.

"Alam mo Lance ang cute mo talaga pag kumikindat ka. Bakit kaya wala ka pang girlfriend?" natatawang sabi ni Ella

"Kasi may hinihintay ako,"seryosong sabi ni Lance.

"Swerte naman ng hinihintay mo," natatawang sabi ni Ella. Na tumayo na at nagpalakad lakad sa kwarto.

"Ako ang swerte sa kanya. Wala naman ako ipagmamalaki sa kanya. Nakikisaka lang kami ng lupa. Halos kulang ang kinikita ko kahit nag papart time job na ako. Ni pambili ng bulaklak at chocolate sa liligawan ko wala ako"malungkot nitong sabi.

"Ang drama mo naman, babe. Mabait ka kaya, masipag saka responsable kang tao. Iyon palang maipagmamalaki na ng magiging girlfriend mo. Isa pa ang guapo mo kaya. Alam mo Lance nakikita ko sayo, sa sipag at tiyaga mo, maiiahon mo ang pamilya mo sa hirap," nakangiting sabi ni Ella.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon