“Nakakaasar naman iyong dalawang iyon iniwan talaga ako para mag interview’?”bumubulong na sabi ni Patty habang tinatahak ang address na nakalagay sa impormasyon na nakalap ni Marie sa bahay ni LJ.Hindi sumama sila Ella sa kanya, dahil pinagalitan si Ella ng Kuya nito dahil gabi na sila umuwi kagabi. Ang paalam kasi nito dalawang oras lang sila mawawala. Huminge naman ito ng paumanhin sa kanya.
Si Marie naman ay gumagawa ng sariling article nito na hindi pa naiisumite, ang interview nito kay Eric. Kaya heto si Patty ngayon nag-iisa.
Nakalimutan nilang tatlo kagabi na Sabado na pala kinabukasan at walang pasok kaya malamang hindi rin mahahagilap si LJ sa school. Lunes na ang dateline ng lahat ng interview nila, kaya ito gahol sila sa paggawa.
Hinahanap niya ang naturang address na nakalagay sa papel, buti na lang at kilala ang pamilya ng LJ sa lugar na iyon.
Paano ba naman ito hindi makikilala. Napag alaman niya na ang magulang ni LJ ang isa sa may ari ng St. Valentine Academy.
Nasa may gate na siya ng bahay ng binata. Malaki ang naturang bahay, halatang hindi basta basta ang nakatira dito. Malaki ang sakop ng kinalalagyan ng bahay ng mga Gonzalez.
Ang tawag nga ng mga napagtanungan niya kanina ay Villa Gonzalez. Villa nga naman napakalawak, napakaganda. Sa labas ng gate makikita mo ang nagtataasang mga puno, at dahil hindi naman totally close ang gate nito naaaninag sa loob ang maraming halaman at mga bulaklak dito.
Kung maglalakad ka siguro sa loob, pakiramdam mo isa kang prinsesa na nasa maganda at malawak na garden ng palasyo. Matatanaw mo rin ang bahay nito na may dalawang palapag pero malawak ang sakop. Hindi ka na magtataka kung mga sampung kwarto ang meron doon.
Nakasilip si Patty sa gate at tinatanaw kung may tao ba doon. Nang maya maya may sumita sa ganyang matandang babae.
“Hoy neng, sino kailangan mo? Bakit ka sumisilip diyan.” Sabi ng matabang matandang babae.
“Magandang araw po, andyan po ba si Lukaz,” magalang na bati at tanong niya dito.
“Ay, si senorito LJ. Malamang nasa swimming pool iyon. Pag ganitong araw ng Sabado ay nagbababad yon doon. Bakit ano kailangan mo ineng kay senorito,” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Ako po pala si Patty. Taga-St. Valentine po ako. Magsasagawa lang po sana ko ng interview sa kanya. Para po sa school paper namin.” Nakangiting sagot ni Patty dito. Inabot niya ang school id niya dito para hindi ito mag alinlangan sa kanya.
“Ganoon ba, sandali lang ha. Itatanong ko muna, kasi hindi pwede basta basta magpapasok dito,”nakakunot na sabi ng matanda.
Maya maya may tinawag itong matandang lalaki na mukhang hardinero dahil hawak pa nito ang pambungkal ng lupa at gunting na ginagamit sa pagtatabas ng damo at halaman.
“Karding, puntahan mo nga si senorito LJ sabihin mo may naghahanp sa kanya, Patty kamo pangalan taga St Valentine. Dalian mo ah,” utos nito sa hardinero na dali daling tumalima.
Lumingon muli ang matanda sa kanya at nag-salita….
“Pasensya ka na ineng, hindi kita basta basta pwede papasukin. Mapapagalitan kami. Pero mukha ka naman sana mabait, ang amo nga ng mukha mo. Ako nga pala si Nora. Manang Nora ang tawag sa akin dito, mayordoma ng Villa.” Despensa ng matanda at nagpakilala rin sa kanya.
“Ok lang po Manang Nora, ginagawa niyo lang po trabaho niyo. Willing naman po ako maghintay,”nahihiyang sagot ni Patty dito.
Mga sandali pa ay humahangos sa pagtakbo si Mang Karding…
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...