(Just play the theme song for this chapter)
7th day El Paradiso
8pm El Paradiso AirportHalos hindi magkamayaw ang mga tao sa airport ng gabing iyong, parang piyesta kung titingnan ang mga taong naroroon lahat ay naging masaya sa naging bakasyon.
“Bakit wala pa rin sila Ella?” nagtatakang tanong ni Steven sa sarili.
“Baka na-late lang.” sabi ni Eric.
“Hindi sila puwedeng ma-late, saka nakita ko na sa runway ang eroplanong pagsasakyan sa kanila,” inis na sabi ni Steven.
Maya-maya nag-anunsyo sa speaker na puwede ng sumakay ang mga pasahero pauwing Manila. Nagulat sila sa pangalawang anunsyo ng sabihing kanselado ang flight ng eroplanong sasakyan dapat na grupo ni Rod.
“Excuse me, bakit po kanselado iyong flight ng isang eroplano?” tanong ni Steven sa information crew.
“Sir, sorry confidential po kasi ang mga ganoong bagay.” sabi ni staff.
“Anong confidential? Alam mo bang kapatid ko ang isang pasahero doon. Kung tutuusin puwede ko nga kayo idemanda kasi binago niyo ang ticket ng kapatid ko ng walang abiso bago pa man ang flight namin.” galit na sabi ni Steven.
“Sir, kalma lang po tayo. Cancel lang naman po iyong flight as far as I am concern, okay naman po lahat ng mga pasahero ng eroplano.” sabi ng staff.
“No, ang gusto ko malaman kung bakit nagkansela? Nasaan ang kapatid ko at ang kaibigan niya? at bakit walang nag-inform sa akin, alam niyo sa information niya na ako ang kasama niya at ako ang guardian niya.” galit na sabi ni Steven.
“Miss, simple lang naman ang tanong. Nasaan ang sakay ng eroplanong yan?” inis na sabi ni Eric.
“Excuse me, may problema po ba?” tanong ng information manager, lumapit na ito ng makitang nagtatalo at mainit ang ulo ng tatlong lalaking nasa front desk.
“Nasaan ang kapatid ko na sakay ng eroplanong iyan?” tanong ni Steven.
“Mr. Tuazon, sorry na-late kami sabihin sa inyo. Sira kasi ang eroplano so we decided na kami na mismo ang nag-move ng schedule ng flight. Nasabihan na po namin ang Admin ng St. Valentine. I hope you will understand.” humihinging paumanhin ng manager.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...