(Just play the theme song for this chapter)
"Marie doon tayo," sabi ni Ella ng makababa sila ng El Cielo alas tres y media ng oras na iyon pero ang mga kabataang naroon ay buhay na buhay pa.
"Pabilisan uli tayo makaubos ng ladies drink." pilyang sabi ni Marie
"Doon tayo sa gitna." sabi ni Patty at nagtakbuhan sila sa gitna ng dance floor.
"Sandali magdala na tayo nito." sigaw ni Tiffany ng may dumaang cart na may dalang ladies drink pero ang kinuha nito ay isang bote.
Pumunta ang apat sa gitna, nakapagpalit na ang mga ito ng t-shirt na bigay ng mga lalaking kasama. Inikot na lamang ang dulo nun para magmukhang hanging shirt.
Magagaslaw na ilaw at malalakas na tugtog ang ang pumainlanglang. Sinabayan pa ng wine shower na isinaboy ng mga kabataan sa dance floor.
"Bababa muna ako." nakangising sabi ni Rod sa tatlo na nakadungaw lang sa balcony at pinapanood ang apat na babae.
May mga pumapalibot na ng mga lalaki kay Ella, at hindi niya papayagan iyon. Sumingit siya sa gitna ng dance floor ng makita si Ella, hinapit nito ang dalaga sa baywang.
"Akin ka lang." nakangising sabi ni Rod at niyakap nito ang dalaga. Nagsialisan ang mga nakalibot na mga lalaki dito.
"Seloso mo." nakangiting sabi ni Ella at ginantihan ng yakap si Rod.
"Sweetheart huwag mo ng gagawin iyon pananakit sa katawan mo." bulong ni Rod dito ng hawakan ang kamay ng dalaga . Kinagat nito ng bahagya ang tenga ni Ella na ikinapula ng mukha nito.
"Hindi na." sabi ni Ella at ikinawit nito ang kamay sa batok ni Rod at tumingala ito sa lalaki para halikan.
"You little tease." pilyong sabi ni Rod at sinalubong nito ang labi ni Ella. Tinanggal nito ang pagkakabuhol sa t-shirt ng dalaga at ng lumaylay ang t-shirt na suot nito ipinasok ni Rod ang kamay sa likod ni Ella at hinimas iyon.
Naramdaman ni Ella ang init ng mga kamay ni Rod kaya lalo niya pinagbuti ang pagganti sa halik nito na ikinaungol nito.
Bumaba na rin sila Ramon at LJ mula sa El Cielo ng makitang mukha na naman nawawala sa sarili sila Patty at Tiffany. Naiwan si Dennis sa taas ng El Cielo at pinagmamasdaan si Marie umakyat pa ito sa stage para kumanta.
"Aiissstttt, baliw." naiiling na sabi ni Dennis sa ginawa ni Marie.
.......
"Tama na iyan." sabi ni LJ at inagaw ang ladies drink kay Patty. Nasa gitna na siya ng dance floor at pinaalis nito ang kasayaw ni Patty.
"Lukaz isa na lang." sabi ni Patty may tama na ito at nagawa pa nitong agawin ang ladies drink kay LJ at inubos niya iyon.
"Lasing ka na. Uuwi na tayo maya-maya." bulong ni LJ kay Patty at niyakap ito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...