Kabanata 8

565 89 10
                                    

"Ano ginagawa ng lalaking iyon doon," galit na tanong ni Steven kay Eric.

Hindi nila sinabi sa mga magulang nila ang tungkol dito at baka mag alala pa ang mga ito kay Ella. Pero hindi naman ito pababayaan ni Steven na may masamang mangyari sa kapatid niya.

Ito nga lang nagkamali siya, ang akala niya kasi nakauwi na si Ella. Hindi na niya naitext o natawagan ito dahil nakampante siya na nasa bahay na ito dahil nakita niya si Marie na pauwi na kanina.

Hindi naman niya naitanong si Marie kasi mukhang nagmamadali ito kanina.

"Hindi ko alam 'tol. Mukhang may balak na naman masama, at kay Ella pa." hindi napigilan ni Eric ang inis na nararamdaman.

"Huwag niya lang subukan ang kapatid ko. Wala ako pakialam kahit angkinin na niya lahat ng babae sa school. Sira ulong lalaki iyon. Wala yata magawa sa buhay kundi mambabae." Naasar na sabi ni Steven.

"Akala niya siguro nakaisa siya at akala nila ni Dennis, nasulutan talaga tayo ng babae. Hindi alam ng mga loko bago nila kinama, na kama na natin at initsapwera." Natatawang sabi ni Eric.

"Wala ko pakialam sa babae, alam mong hindi ako seryosong sa mga iyon. Inaalala ko si Ella." Pag aalalang sabi ni Steven habang nakatingin ito kay Eric.

"Alam mo naman hindi ko rin pababayaan si Ella, tol. Para ko na rin siyang kapatid." Paninigurado nito kay Steven.

"Bata pa ang kapatid ko. Tiwala naman ako kay Ella na hindi siya magpapaloko sa hayop na iyon," nakatiim bagang na sabi ni Steven

"Huwag mo na lang komprontahin si Ella. Nag aalala ako sa kanya. Hayaan mo na lang muna makapagpahinga iyong bata," payo ni Eric kay Steven.

"salamat uli pare sa pag sundo sa kapatid ko," naki pag-apiran ito kay Eric.

"Ayos lang iyon. Si Ella my dear pa. Hayaan mo hindi ko na rin siya paiiyakin, hahaha" natatawang sabi ni Eric.

Pagkatapos mag usap nag paalam na si Eric, niyayaya itong kumain nila aling Lilian, pero tumanggi na ito dahil lumalalim na rin ang gabi. Na hindi naman na piniit ng mga ito at nagpasalamat na lamang.

....

Habang sa  mansyon ng mga Cheung....

Paakyat na ng hagdan si Rod ng makita siya ng momy nito.

"Anak napagabi ka, saan ka naman tumambay aber," salubong nito sa anak sabay halik sa pisnge nito.

Ininspekyon pa ni Mrs Cheung ang mukha at katawan ng anak bago ito magsalita uli.

"Basang basa ka lang sa ulan, wala ka naman mga bugbog, pasa at mga galos. So ok ka pa naman. Hay thanks God," sabi nito na nag sign of the cross pa.

"Momy naman, hindi mo ba ako sasabihan. Magbihis ka muna o di kaya kumain ka na diyan. Ano ba yan momy nawawala na yata ang pagmamahal mo sa akin," may birong pagtatampo ni Rod

"Anong nawawala ang pagmamahal? No iho. Ikaw lang naman ang pinakamabait na bata na gusto ko lagi katabi at makita. Ikaw lang naman ang anak na favorite kong bantayan. Nag-iisa ka lang at wala kang katulad. Sige humayo ka at maligo, after that pumunta ka sa kusina at ipapahanda ko ang pagkain mo, mahal kong senorito" Sabay tawa ni Mrs Cheung ng malakas.

Alam ni Rod na nag aalala ang momy niya sa kanya lagi at idinadaan na lamang nito sa biro. Lagi naman itong nakikibalita sa mga teachers niya sa ST Valentine kung kamusta ang lagay niya doon. Papaalis na si Mrs Cheung na may itanong siya dito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon