Sabado..."Hi Marie, may sakit ka ba? Para kasing kakaiba ka ngayon."may pag aalala na sabi ni Arthur.
Nasalubong ni Arthur si Marie sa may 2nd gate ng St. Valentine, mukha itong wala sa mood at naglalakad mag-isa.
"Ok lang ako.Hindi lang ako nakatulog kagabi pumunta kasi ako ng bayan." humihikab pang sabi ni Marie.
Matapos nila mag usap ni Ella kahapon agad-agad siyang pumunta sa bayan. Anong oras na rin siya nakauwi. Kanina ngang umaga kinurot pa siya ng lola niya para ipaalala na papasok siya ngayon para sa practice sa journalism.
"Ililibre na lang kita ng coffee. Daan tayo sa vendo machine."nakangiting anyaya sa kanya ni Arthur.
Close kay Marie ang binata kahit na nga ba lagi niya itong sinusupla o binibiro. Hindi ito napipikon sa kanya. Isinusulat pa nga siya nito ng notes sa kahit na anong subject kadalasan. Madalas silang tuksuhin sa loob ng classroom ng mga kaklase nila.
"Dalawahin mo ha. Mura lang naman iyon para tumalab agad."birong sabi ni Marie sa binata.
Isa si Marie sa una niyang nakasundo sa classroom, ito nga ang unang lumapit sa kanya noong first day of class. O sabihin natin si Marie talaga ang unang nagpakilala nito sa sarili sa lahat kaklase nila. Friendly ito kaya lahat ng kaklase nila kaclose ang dalaga.
Para kay Arthur si Marie ang tipo ng babaeng gusto niya. Bukod sa palaban ito, masayahin, madaldal at higit sa lahat matalino. Maganda rin ito na lalong niyang hinangaan. Matagal na nga niyang gusto ang dalaga pero hindi niya masabi-sabi dito. Sa lahat ng babae kay Marie siya nahihiya at lumalabas ang pagka nerd at torpe niya.
"Sure. Basta ikaw."natatawang sabi ni Arthur.
"Sandali nga pala, 'di ba kasama niyo si Tiffany sa Math Contest. Bakit mukhang kasali din siya sa English. Kaya niya ba pagsabayin iyo?." takang tanong ni Marie kay Arthur na kanina pa yata nakatingin lang sa kanya habang naglalakad sila.
"Kaya niya iyon. Magaling naman si Tiffany. Nasasabay nga niya ang trabaho at pag aaral niya."sabi niya kay Marie.
Nang biglang huminto si Marie na ipinagtaka ni Arthur.
"May problema ba?" takang tanong ng binata.
"Ahmmmm, wala naman. Para kasing may dumi ka sa mukha mo. Sandali siguro naglaro ka na naman ng ballpen at nasulatan mo na naman iyang guapo mong mukha."nakangiting sabi ni Marie sabay punas ng daliri niya sa mukha ng binata.
Alam ni Marie na may crush sa kanya si Arthur. Sino ba namang lalaki ang papayag na pasulatin ng mga notes kada subject. At hindi tumatanggi pag nagpapalibre siya. Madalas niya ring makitang nakatitig ito sa kanya sa classroom.
Hindi alam ni Arthur ang gagawin. Nagulat siya sa ginawa ni Marie. Mabait ito, katunayan halos lahat ng kaklase nila tinutulungan nito. Sa subject, at naririnig niyang, ito ang takbuhan ng mga babae kahit lalaking kaklase nila para huminge ng payo kapag may problema.
"Nakakahiya naman sayo. Pero paano mo nalaman na nasusulatan ko madalas ng ballpen ang mukha ko."nagtatakang tanong ni Arthur sa dalaga. Ni minsan hindi nga niya nakitang nakatitig or tumingin sa kanya ito ng matagal.
"May mata ako sa likod. Hahahahaha. Nakatingin ako sayo kahit nasa harap mo ako nakaupo." natatawang sabi ng Marie.
Hindi alam ng binata pag may quiz , or any test. Pinagmamasdan ito ni Marie, kung tutuusin hindi lamang ito, lahat ng kaklase nila. Tinitingnan niya kung paano ang bawat galaw ng mga kaklase niya. Kaya halos kilala niya ang buong klase. Pero kay Arthur niya madalas mabaling ang tingin. May aura kasi itong naiiba sa lahat.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...