Nakita pa ni Arthur ang pagbuhat ni Ramon kay Tiffany papuntang park. Alam niyang matindi ang pagkagusto nito sa dalaga, ilang araw din itong nakabuntot kay Tiffany.Binabantayan nito lahat ng galaw ng dalaga, pati mga taong umaaligid dito. Mistula nga itong bodyguard ng dalaga. Ni kahit siya hindi na makapag biro kay Tiffany at hindi na magawa ang nakagawian na niyang pag akbay.
Tapos na ang review nila sa Math, pumunta na rin sila Ella at Patty sa journalism para doon naman mag ensayo. Siya naman ay papunta sa auditorium, ilang araw pa ang gagawing practice dito na kasama si Joyce na hindi siya pinapansin. Umiiwas ito pag nakakasalubong niya.
Nakita niya ito kanina umaga ng kausap niya si Marie at Eric at katulad ng dati umiwas ito na hindi niya alam kung bakit ito naiilang.
Papasok na siya ng gym ng mamataan ang isang babaeng na nasa gilid ng auditorium, may hawak itong cellphone at napangiti siya ng makitang kumakain ito ng lollipop. Pati ang pagsubo noon ay poise pa rin. Lalapitan na niya sana ito ng maunahan siya ng isang lalaki. Kaya tiningnan na lamang niya ang dalawa.
“Hi Joyce,”bungad na sabi ni Jaycee. Nasa paaralan siya para ihanda ang gagawing party para sa mga kalahok sa tournament.
“Napadpad ka yata dito. Ang layo kaya nito sa lungga ng student council.” maarteng sabi ni Joyce
“Kinakamusta kita. Hindi na ko makasama kala Dennis sa mga lakad, busy sa council”nakangiting sabi ni Jaycee.
Tiningnan ito ni Joyce, sa lahat ng kaibigan ng pinsan niyang si Dennis, si Jaycee lang ang mukhang may patutunguhan. Responsable ang binatang nasa harapan niya, isa ito sa hinangaan niya dito.
May karisma itong nakakaakit sa lahat, kaya nga nanalo si Jaycee bilang president ng Student Council. Para itong politiko magsalita hasa sa makitungo sa mga tao. Bukod pa dito magaling itong mamalakad ng council, pang apat at huling termino na ni Jaycee ngayon taon.
“Ok lang iyon para makalayo ka sa mga kalokohan nila. Sayang ka naman pag lumihis ka ng landas tulad nila.”nagbibirong sabi ni Joyce.
Matagal ng kilala ni Jaycee si Joyce, di tulad ng pagkakakilala ng lahat sa dalaga, may itinatago itong bait na hindi pinapakita sa lahat.
“Hahahaha, hindi na kaya kita madalas makita. Palagi kaming tumatambay kala Dennis naroroon ka lagi. Sayang naman kung hindi ko makikita ang kapilyahan mo.”nakangiting sabi ng binata.
Si Joyce ang babaeng bersyon ng pinsan nito sa kapilyahan. Kahit si Dennis nga hindi matalo ito. Minsan pa nga nito pinaiyak si Joyce na ikinagalit ng mga parents ng mga ito, pinarusahan si Dennis noon at nakitulog na lang sa kanila.
“Dito sa school, saka lagi naman kita nakikita. Active ka kaya.”nakangiting sabi ni Joyce. Tinitigan niya si Jaycee, matagal na niya itong crush pero hindi siya ang tipo ng babae na maglalabas ng saloobin basta basta. At isa pa kahit gusto niya ito wala sa standard niya ng yaman si Jaycee, mahirap lang kasi ito.
“Minsan tulungan mo naman ako, O kaya naman bisitahin mo ako sa room ng council.”nakangiting biro nito. Isa si Joyce sa hinahangaan niya na babae sa Academy, bukod sa angking ganda ng dalaga na pang Ms. Universe. Maganda ito kausap, hindi ka magsasawa at maboboring pag ito kausap mo. Nakuha nito ang Beauty, Brain iyon nga lang sabi ng marami kinapos ito sa attitude.
“Ano gagawin ko doon. Saka ang init ng room niyo, papalitan niyo kaya aircon doon. Gusto mo parequest ko kala momy.”sabi ni Joyce.
“Huwag na, malamig pa nga iyon. Saka gastos lang iyon. Kung pwede pa naman bakit pa bibili. May ibang mas mahalaga na pwedeng paggamitan ng pera.”seryosong sabi ni Jaycee. Alam niyang maluho si Joyce, lahat ng gamit nito, ibinibili pa sa ibang bansa at branded lahat. Hindi pa niya ito nakitang gumamit na mga murang kagamitan.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...