"Kuya Lance bakit yakap mo po si Ella?" tanong ni Tiffany na mukha pang kinikilig sa nakikita."Grabe ka Tiffany. Gusto mo yakapin din kita para hindi ka naiinggit" birong sabi ni Arthur.
"Sige nga." natatawang sabi ni Tiffany. Nawaring hindi pa rin napapansin ng dalawa ang nangyayari kanina pa sa naturang park.
Natatawang niyakap ni Arthur si Tiffany. Matanda si Tiffany sa kanya ng apat na taon, matangkad ang dalaga sa edad nitong disisais pero halos pumantay pa rin ito kay Arthur na dose anyos lamang. Dahil nakuha ng binata ang taas nito sa amang Amerikano.
Kanina pa sila nagbibiruan ni Arthur sa Math Club. Masaya ito kasama at may mga bagay na pareho sila iyon ay magbasa ng libro. Naging close sila dahil laman ng library si Arthur at student librarian si Tiffany.
Hinahanap nila si Ella dahil magrereview sila sa darating na Math Competition na gaganapin sa ibang paaralan at lalahukan ng ibat ibang estudyante na magmumula sa ibang ibang eskwelahan.
Alam nila na kung hindi sa library sa ValPark ito tumatambay kasama ang mga kaibigan. Pero dahil sa katuwaan at kulitan nila ni Arthur hindi nila napansin na may nangyayari na palang gulo sa parke.
Nasa ganoon silang sitwasyon ng hindi nila namamalayan na may nakatingin sa kanilang mata na kanina na pa umaapoy sa pagkakatitig sa kanila.
"Pag hinalikan ni Lance si Ella, hahalikan din kita," birong sabi ni Arthur.
"Loko ka. Baka magalit nobya mo." natatawang sabi ni Tiffany.
Wala lang kay Tiffany ang ganoong biro kay Arthur, mula ng naging close sila ng binata. Samahan pa na halos araw araw sila magkasama dahil sa pagrereview. Madalas na nga siyang akbayan nito tulad ngayon na nakagawian na nito.
"Wala akong nobya gusto mo ikaw na lang." nag bibirong sabi ni Arthur. Dahil mahilig siya sa libro madalas siya sa library. Dito niya nakilala si Tiffany ilang buwan na rin sila magkaibigan at kahit mas matanda ito kay Arthur panatag ang loob ng binata na kasama ang dalaga. Tulad ng nararamdaman niya kay Marie na matagal na niyang gusto. Baby face si Tiffany kaya hindi maiisipang magkalayo ang mga edad nila.
"Wheee, di nga. Ang guapo mo kaya. Imposible naman iyon. " natatawang sabi ni Tiffany na nagbibirong hinaplos pa nito ang mukha ni Arthur.
"Gusto mo tayo na lang. Parang sila Lance at Ella." Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Tiffany at akmang hahalikan ito, ng may pabalag na nagtapon sa harap nito ng chocolate box.
"Fuck, don't flirt on her. Asshole."sabi ni Ramon. Ang kaninang masayang nanonood sa eksena sa park ay siya ng gagawa ng gulo ngayon.
Nagulat si Tiffany sa chocolate box na nasa harap nila ni Arthur ngayon. Nang narinig niya ang nag salita tiningnan niya ito.
"Ahhhhhhhh," sigaw ni Tiffany at nagtago sa likod ni Arthur.
Tiningnan lang ni Arthur ang lalaking nagtapon ng box, kilala niya ito. Sino ba hindi makakakilala sa mga bully ng academy at nang tingnan niya ang paligid. Lahat sila present dito.
"Nice, may eksena pala dito. May shooting ba?' natatawang sabi ni Arthur.
"Pero parang may kulang na isang kontra bida." Sabi ni Arthur na waring nag iisip.
"Anong nangyayari Ella?" tanong ni Tiffany na kinalabit si Ella habang nakatago si Tiffany sa likod ni Arthur.
"Umalis na tayo," sabi ni Ella na kumawala sa pagkakayakap ni Lance.
"Halika na Arthur." Sabi ni Tiffany. Hinawakan nito ang kamay ni Arthur. Patalikod na ang binata at inakbayan nito si Tiffany pero dahil hindi nito nakita ang galit ni Ramon. Hindi niya nakita ang pagsugod nito mula sa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...