(Just play the theme song fo this chapter)
3rd day Cheung Hotel
7am El Paradiso
"Bhes, handa ka na ba?" tanong ni Marie ni Ella."Oo, Marie, nagchecheck lang ako. Baka may naiwan ako." sabi ni Ella.
"Check mo rin iyong puso mo baka maiwan mo.Magwawala na naman si Rod." birong sabi Marie.
"Hahahaha, ewan ko sayo Marie. Nababaliw ka na naman." natatawang sabi ni Ella.
Pupunta sila ngayon sa Armastus Cave, isang Estonian language na ang ibig sabihin ay love, kaya nagdala sila ng back bag para sa mga pagkain at dami na pamalit, at iba puwedeng kailanganin.
"O, ano na? Ready ka na. Alam mo naman excited ako para makakuha ng gayuma para sa kuya mo." nakangiting sabi ni Marie
"Ikaw talaga. Hindi nga umepekto iyong gayuma mo noong una at kung emepekto man isang araw lang." natatawang sabi ni Ella.
"Basta kukuha ako. Para kung sakali umayaw na si Dennis sa kasal namin, magiging kami na ng kuya mo." sabi ni Marie.
"Sige na. Bumaba na tayo." sabi ni Ella
"Uy, Ella sa restaurant muna tayo kasi wala pa iyong van. Naroroon na rin ang iba." sabi ni Tiffany ng makasalubong nila ito sa elevator.
"Ibig sabihin kasama natin uli sila Steven." kinikilig na sabi ni Marie.
"Malamang kasi nakaalis na ang iba. Tayo na uli ang natira." sabi ni Patty.
"Mas maganda nga para makasama ko rin si Kuya." nakangiting sabi ni Ella.
Sumakay ang apat sa elevator at nagtungo sa restaurant.
"Hon, ang dami mo naman yatang dala, uuwi na ba tayo." birong sabi ni LJ ng buhatin nito ang bag ng nobya sobrang bigat nun.
"Ako na magbubuhat kung ayaw mo." mataray na sagot ni Patty kay LJ.
"Joke lang, meron ka ba ngayon?." birong sabi ni LJ kay Patty.
"Wala, ayaw mo kasing buhatin." nagtatampong sabi ni Patty.
"Binibiro ka lang naman." sabi ni LJ mula pa kanina matapos ang paliligo nila sa dagat nagsimula ng mapikon ang nobya sa kanya ng hindi niya ito napagbigyan sa isang bagay.
"Uupo na ako." sabi ni Patty at umupo ito katabi ni LJ na sinusuyo pa rin ang dalaga.
"Andito na iyong gamit nating dalawa." sabi ni Tiffany kay Ramon. Akala niya kaninang madaling araw ng naligo sila sa dagat after mag bar ay may gagawin ito sa kanya, pero nag-behave pa rin ito na ikinatuwa niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...