(Just play theme song for this chapter)
“Ako na bahala.” sabi ni Dennis kay Ella at hinawakan nito si Marie.
“Hindi na. Kung hindi dahil sa ginawa mo sana hindi siya ngayon ganito.” galit na sabi ni Ella. Inalis nito ang kamay ni Dennis na nakahawak kay Marie.
“Sweetheart, kaya na ni Dennis alagaan si Marie. Magiging asawa niya iyan, hayaan mo sa kanya” sabi ni Rod at hinawakan nito sa balikat si Ella.
“Alagaan? Kailan niya ba inalagaan si Marie? Eh ang alam lang naman ng kaibigan mo ay kung paano manyakin iyong kaibigan ko.” inis na sabi ni Ella, naaasar siya sa nangyari kay Marie, wala pa naman ang Steven o kahit si Eric.
“Sweetheart.” pigil na sabi ni Rod, pagdating kay Marie alam niya kung gaano ka-protective ito sa kaibigan katulad din ito ni Marie kay Ella at marami na niyang beses napatunayan iyon.
“Hindi niya asawa si Marie, kung tutuusin nga mas naaalagaan pa ni Kuya Steven o ni Kuya Eric si Marie. Huwag nga niya gagamitin ang salitang asawa kung alam naman niya sa sarili niya na malabong mangyari iyon sa totoong salita. ” galit na sabi ni Ella inalis nito ang kamay ni Rod sa balikat at tinabig si Dennis para makadaan sila ni Marie.
Tiningnan ni Rod si Ella inupo nito si Marie sa likurang upuan niya at kinuha ang gamit ni Marie sa upuan ni Dennis.
Nilapitan ito ni Rod, alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ito.
“Hindi ka puwede umupo diyan. Ibigay mo na lang kay Dennis si Marie.” mahinahong sabi ni Rod.
“Ayoko. Kung gusto mo tatawagan ko na lang sila Kuya Steven para kunin kami. Tutal naman malapit na tayo sa kuweba. Maghiwa-hiwalay na tayo.” galit na sabi ni Ella. Naaasar na nga siya kay Dennis dadagdagan pa ni Rod.
“Hindi ka tatawag dun.” sabi ni Rod ng akmang gagamitin ni Ella ang cellphone ni Marie para tawagan ang kuya nito hinablot niya iyon.
“Asar, nakakaraming cellphone ka na nakukuha sa akin.” inis na sabi ni Ella, hindi na nga nito binalik ang bagong cellphone na kabibili lang sa kanya ng kapatid kukunin naman ngayon nito ang kay Marie.
“Kahit ubusin ko pa lahat ng cellphone basta susunod ka sa akin. Ngayon tatanungin kita, ibibigay mo si Marie kay Dennis o hindi?.” sabi ni Rod
“Ayoko nga.” inis na sabi ni Ella. Nagtaka si Ella ng pumunta si Rod sa upuan nito at may kinuha doon.
“Ibibigay mo siya o tutuluyan ko si Lance pagbaba natin sa kuweba.” pananakot na sabi ni Rod inilabas nito ang baril at ikinasa iyon.
“Bakit mo dala iyan?” takot na sabi ni Ella.
“Para sumunod ka sa akin. Napipikon na kasi ako.” galit na sabi ni Rod.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
Storie d'amoreAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...