Kabanata 80

311 21 5
                                    


"Excited na ako bukas para sa party." sabi ni Marie.

Nasa ValPark sila ng mga oras na iyon at halos lahat ng paksang pinag-uusapan ay tungkol sa party na gaganapin bukas ng hapon. Marami ang naiinggit gayundin naman may mga natutuwa dahil mga kalahok lamang ang kasali sa engrandeng pagtitipon na ibinigay ng admin ng St. Valentine.

"Siguro mala red- carpet." sabi ni Marie na halos hindi na nito makuhang mag basa ng notes nila para sa huling subject.

"Tingin mo pupunta si Kian?" pilyang tanong ni Ella na ikinatili pa ng dalawa.

"Siyempre nakita ko iyong invitation sa mesa ni Jaycee at confirm. Pupunta siya." kinikilig na sabi ni Marie.

"Kailangan makapag picture tayo sa kanya. Pero baka hindi tayo makalapit, malamang may mga bodyguard iyon." sabi ni Ella. Hindi na rin niyang magawang mag sulat. Matagal na nilang idolo si Kian, isa itong singer at dancer sa telebisyon, international artist rin ito. Ito ang isa sa mga pagkakapareho nilang hilig ni Marie kaya sila naging close lalo sa isa't isa.

"Anong ginagawa niyang nasa tabi mo?" sabi ni Marie at ininguso si Patty na tahimik na nagsusulat.

"Patty, makisali ka naman. Kung ayaw mo may hihingin kaming pabor. Tutal kaibigan mo kami." nakangiting sabi ni Ella dito.

"Ano iyon?" tanong ni Patty pero may pakiramdam siya kung ano ang hihilingin ng dalawa.

"Kausapin mo naman si LJ, kahit limang minuto lang mahalikan lang namin si Kian." kinikilig na sabi ni Marie. Hinampas pa nito si Ella na parang nababaliw.

"Hala sila. Nakakahiya naman kay LJ. Pero huwag kayo maingay." bulong ni Patty sa dalawa. Tumigil muna ang mga ito sa pag-tili at hinintay ang sasabihin ni Patty.

"Ano iyon?' seryosong sabi ni Marie at idinikit ang tenga nila ni Ella sa bibig ni Patty.

"Crush ko rin kasi si Kian." kinikilig na sabi ni Patty na lalong ikinatili nila Ella at Marie. At tatlo na silang tumitili halos pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante na naroroon.

"Huwag niyong sabihin kay LJ. May slambook ako ni Kian. Tapos noong nag benta siya ng favorite niyang cap para ibigay iyong makukuha niya sa disabled children. Binili ko iyong sumbrero niya. At....." kinikilig na sabi ni Patty na may pagbitin pa sa salita. Kinuha nito ang bag at inilabas nito ang sinasabi.

".....ang bango ng sumbrero niya." sabi ni Patty at inamoy ang sumbrero ni Kian. Nagtilian ang tatlo na parang sila lamang ang tao sa paligid. Inagaw ni Marie ang sumbrero kay Patty at inamoy iyon at nakipag agawan din si Ella.

"Akin na ito." tumatawang sabi ni Marie at tumakbo sa park.

"Sandali lang paamoy muna." sabi ni Ella at hinabol nito si Marie wala silang pakialam kung naiwan nila ang gamit sa upuan.

"Hoy sandali. Ang hirap kaya makuha niyan. Ibalik niyo sa akin" sabi ni Patty at hinabol na rin si Marie.

.....................

"Mga isip bata." sabi ni Dennis ng makitang naghahabulan ang tatlo at mukhang patungo pa ang mga iyon sa lagoon.

Nakita ni Rod ang cellphone ni Ella at kinalikot iyon. Isinauli niya ito kaninang umaga lang sa dalaga pero may napansin siya sa wallpaper nito ngayon.

"Aisssttttt, sino ba itong agogo dancer na ito." galit na sabi ni Rod ng makitang si Kian ang wallpaper ng dalaga. Kumakanta si Kian sa stage at kita ang abs nito na nakalabas sa bukas nitong polong suot.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon