"Manyak! Magkaibigan talaga ang dalawang iyon Marie. Noong nagsaboy ang kalangitan ng kaangasan nasalo yata ng dalawang iyon. Ang trono ay nakuha nila. Hari ng kaangasan," humihingal pa siya habang sinasabi kay Marie.Nagmamadali siya dahil ang akala niya ay late na siya sa kanilang klase.
Kararating lang ni Ella sa room, wala silang teacher ngayon pero nag iwan ito ng sulatin nila sa buong subeject nito.
"May ikakaangas naman kasi," ikinibit balikat na sabi ni Marie.
Nagdudutdut na naman ito ng cellphone. At walang humpay sa kakangiti.
"Hoy bruha, baka mapudpud at magkakalyo na iyang kamay mo. Tigilan mo na. Kung nagsusulat ka ba, nang matapos ka kaagad diyan," inis na sabi ni Ella dito
"Wala naman si Maam, kokopya na lang ako kay Arthur," walang ganang sabi nito na sinulyapan lang siya ng unti at ibinalik na naman ang focus sa cellphone nito.
"Kokopya o magpapasulat? Sana sumabog iyang cellphone mo. Iyong tipong wasak na wasak walang matitira," sabi ni Ella dito.
"Grabe ka, ang morbid mo magsalita," sabi nito sabay ibinaba ang cellphone.
Nakuha na ni Ella ang atensyon nito kaya nakikipag usap na ito, pero hindi pa rin nagsusulat ng notes.
Magkatabi sila sa upuan, kahit na nga ba inayos na ng teachers nila ang mga pwesto nila noong 1st day of school. Nasa row 3 sila at nasa may gitna. Nasa kanan niya si Marie.
Ngayon naman nagkukutkot ito ng chichirya na nakatago sa bag nito. Nang magsalita ito pabulong.
"Ella, naririnig mo ba ang usapan sa Journalism class?" mahinang sabi nito na parang ayaw iparinig sa mga katabi nila.
"Hindi, kasi ang alam ko sa journalism bawal ang tsismis at tsismosang tao," bira niyang sabi kay Marie.
"Langya ka naman eh, kinakausap kita ng maayos," asar na sabi ni Marie sa kanya.
"Ay, kinakausap mo pala ako, akala ko kasi nasa sinehan ka at nanonood ng movie. Biruin mo may baon ka pang snack. Kapal mo rin ano," inis na sabi ella.
"Oh, gusto mo ba." natatawang sabi ni Marie sabay salpak sa bibig niya ng chips na nasa kamay nito.
"Kadiri ka may laway mo pa un daliri mo," tinabig niya ang kamay nito ng akmang muli siya nitong susubuan.
"Makinig ka kasi, Ella." Bumulong na naman ito sa kanya.
"Oo na sige na, pero kanina hindi ka nakikinig sa akin. Hmph ayos ka talagang babae ka, hindi ko talaga alam bakit pinagtiyatiyagaan kitang kasama," baling na sabi niya kay Marie
"Kasi no choice ka, ako lang naman kasi ang makakatuluyan ng kuya mo. Kaya magsasama tayo sa ayaw at sa gusto mo." Tawang sabi nito sa kanya.
Naiiling na lang si Ella sa mga pinagsasabi ni Marie.
"Oh, ano na iyong sinasabi mo? Sana nakalimutan mo. Nang walang abala sa pagsusulat ko ng notes," biro ni Ella dito.
"Baliw ka ang memory ko pangmatagalan ito." Natatawang sagot nito sa biro niya.
Nagpatuloy ito sa sinasabi...
"Magkakaroon ng bunutan kung sino ang matotoka sa sports column ng Valentine Magazine." Panimulang sabi ni Marie habang palihim pa rin kumukutkot ng chips sa bag at palihim din nginuguya.
"Ito pa Marie, hindi tayo hahatiin sa grupo, isa isa tayong mag iinterview. Alam mo ba kung sino o kanino,"tanong nito na may suspense.
Itinuloy ni Marie ang sinasabi....
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...