Kabanata 37

371 25 1
                                    


Ilang linggo na lang magsisimula na ang tournament ng basketball team, halos wala ng pahinga ang koponan nila Steven sa pag eensayo. Pero hindi niya hinahayaang mawalan ng oras sa kapatid at sa pag aaral niya.

Kailangan niyang ibigay ang lahat ng galing para manalo sa paligsahan. Lalo na at ito ang huling taon niya sa Academy.

"Pare, nakakapagod." hinihingal pang sabi ni Eric habang nagpupunas ng pawis nito. Nasa bench sila ngayon at nag papahinga.

"Kailangan natin pursigihin para manalo ang koponan." seryosong sabi ni Steven habang umiinom ito ng tubig.

"Siya nga pala pare, hinahanap ka pala ni Alyssa. Mukhang hindi mo na sinisipot." nangingiting tawa ni Eric.

Kilala ni Eric si Steven magkaibigan na sila simula pagkabata. Ito ang tipo ng lalaking seryoso sa lahat ng bagay. Pero prayoridad nito ay ang pamilya lalo na ang kapatid nitong si Ella. Alam ng kaibigan kung ano ang dapat unahin at hindi ang mga babaeng mga lumalapit dito.

"Wala akong oras pare. Makulit si Alyssa," walang emosyong sabi ni Steven.

Sa lahat ng nakrelasyon ni Steven si Alyssa ang pinakamatagal. Naki pag break na nga ito sa kanya na sinang ayunan naman niya. Pero bumabalik pa rin ito sa kanya.

Halos ang pakilala nito sa lahat ng babaeng nakakasalamuha nito ay boyfriend siya ng dalaga. Na ikinatatawaa lamang ni Steven. Sa edad nitong disi syete wild na itong babae. Mga bagay na hindi ni sineseryso ni Steven.

"Hahahaha, kailan ka ba nagka oras sa babae pare?" naiiling na sabi ni Eric. Walang sineryosong babae ang kaibigan. Hindi naman ito nanliligaw kusa itong nilalapitan ng mga babae.

"Hindi naman ako katulad mo pare. Nakukuha mo pang isingit ang pambababae mo." Nakangising sabi ni Steven. Sa kanilang dalawang mag kaibigan mas pilyo ito. Hindi ito nawawalan ng babae. Pero napansin niya mula ng mag pain ito ng joke kay Ella noong grade 4 pa lang ang kapatid niya, nagbago si Eric ng kaunti lalo na ng unti unti ng nagdadalaga si Ella.

Nahulaan ni Steven, dati pa na may gusto ito sa kapatid niyang si Ella. Binigyan niya ng ibang kulay ang concern na nararamdaman ng kaibigan sa kapatid niya. Alam niyang nahihiya lang si Eric na sabihin sa kanya. Dahil alam nito ang isasagot niya.

Pero muli na naman nagbago si Eric ng makilala nito si Marie. Nasisingit ng kaibigan ang pagpunta nito sa bahay nila Marie at tinutulungan pa nito ang lola ng dalaga.

Babaero si Eric ito ang tipo ng lalaking hindi alam kung saan babaling. Na kinaayawan ni Steven sa binata para sa kapatid niya. At tiyak na ikasisira ng pagkakaibigan nila kung nagtapat ito sa kanya ng nararamdaman para kay Ella. Bata pa sila ayaw niyang masaktan ang kapatid niya sa mga lalaking tulad ni Eric.

Wala naman ikinukwento si Eric kay Steven sa mga nangyayari sa buhay pag ibig o nagugustuhang babae, nito mga nakaraang buwan, na ipinagtataka ni Steven.

"Good boy ito pare." Natatawang sabi ni Eric na biglang napahinto ng bumaling ang tingin nito sa entrance ng gym.

"Pare kailan ka naging good boy,?" natatawang sabi ni Steven. Tumayo ito patalikod sa entrance ng gym kaya hindi nito nakita ang paparating na babae.

Mula sa entrance ng gym dumating ang kanina pa nila pinag uusapan si Alyssa. Maganda ang dalaga at dahil ito ang cheerleader ng basketball team kilala ito sa buong Academy. Nakasuot ito ng uniform ng cheer squad. Maikling palda iyon kaya nakita ang mapuputi at mahahaba nitong legs. Malakas ang dating babae lalo na ngayon na pinagtitinginan ito ng mga nanonood sa practice ng basketball team. Isa ito sa panghatak ng audience ng naturang basketball team.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon