Kabanata 3

800 128 12
                                    

Lumipas ang mga araw. Naka pag adjust na ang lahat sa klase. Madali naman makapag adjust si Ella madali rin naman siya makipag kapwa tao o makitungo sa iba.

Bukod pa dito, sino ba naman ang hindi makakapansin at kakaibigan sa kanya. Maganda si Ella maliit nga lang ng unti, 'chinita mestiza' ang tawag lagi sa kanya mula ng bata siya. Namana niya ang kulay sa mama niya. May singkit na mata, may natural na pagka brown ang buhok niya, na lalong nakakapagpapansin sa itsura niya. Idagdag pa nito ang labi niyang natural ang pagkapula. In short no need na siya mag lagay ng kolorete sa mukha para gumanda. Makinis din ang kutis niya na ipinagpapasalamat niya sa genes ng mama niyang may lahing Chinese. At higit sa lahat matalino siya. Kumbaga ABbC siya. Attitude, Brain and beauty, Character

Kaya naman siya ang nahalal na class president ng classroom nila. Halos lahat ng grupo sa loob ng classroom gusto siya isama at ipabilang sa kani-kanilang grupo. Pero dahil loyal siya kay Marie, hindi niya ito iniwan. Nagkaroon din sila ng sariling grupo ng kaibigan na kinabibilangan ng limang babae. Siya, si Marie, Cecil, Patricia, at ang lesbian na si Macy or marco.

Simula pa lang ang school year, at masipag pang magsipasok ng maaga ang mga mag-aaral, nag aadjust pa rin kasi silang lahat sa schedule, sa mga teacher nila at sa bawat isa. Nasa kalagitnaan ng pag iingay ang mga ito, nang may nagsalita sa pinto ng classroom nila.

"Pare, dito muna tayo sa freshman tumambay, maaga pa naman." Maangas nitong sabi, habang mukhang may hinahanap ang mga mata nito sa loob ng kwarto

"tol, baka hanapin ka ni Nicole," saad ng kasama nito

"hayaan mo siya." Natatawang sagot nito sa kasama.

Bilang class president, sisitahin sana ito ni Ella, ngunit nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, habang papalapit siya dito. Nang nakalapit na si Ella, napadako uli ang mata ng lalaki sa mata ni Ella, tinitigan siya nito sabay ngisi nito sa kanya.

Hindi nagustuhan ni Ella ang ginawa ng bastos na lalaking ito. Ang tingin kasi nito sa kanya ay kabastos bastos. At sa palagay niya walang ganoon babae para tignan ng ganoon na lamang. Mayabang at walang modo ang lalaking ito.

"excuse me, bawal po kayo sa room, kung hindi po kayo taga dito." Magalang na sabi ni Ella sa lalaki

"hahahaha, pare pinapalayas ka. Biruin mo may isang babaeng nagpapalayas sayo." Birong sabi ng nasa likod nito

"excuse me din bata ha, kung susuriin mo ang paligid mo. Mukha naman nag eenjoy ang mga kaklase mo sa presensya ko, especially girls." may angas na sabi nito

Tiningnan nga ni Ella ang paligid, mukha ngang totoo ang sinasabi nito. Tumigil kasi ang ingay sa classroom at nagbubulungan ang mga kaklase niyang mga babae na mukha pa ngang kinikilig ang mga ito sa lalaking nasa pinto. Ang mga kaklase naman niyang lalaki ay nakatingin din dito na parang nacucurious sa lalaki.

Binalingan muli ni Ella ang lalaki at sinabi,

"so naboboost niyan ang confidence mo?" maasgad na sabi ni Ella dito

Tumatawa ang kaibigan ng lalaki sa likod nito, na ikinaasar nito.

"alam mo bata matagal na ko confident sa sarili ko. Saka makikiupo lang naman ako dito, masama ba? Hindi naman ako tatabi sayo, pero baka gusto mo lang tumabi sa akin kaya ka ganyan." pilyong sagot ng lalaki

"hoy excuse me ha, una po sa lahat dalaga na ako. Hindi na ako bata dahil nireregla na ako. Pangalawa, kung bata ako sa paningin mo at matanda ka na, so umakto kang matanda. Pangatlo kung pipili ako ng katabi, edi iyong kasing ganda ko na." asar na sabi ni Ella sa lalaki. Na ngayon ay nagbago ang itsura sa mga sinabi niya. Kaya ipinagpatuloy niya pa ang sinasabi.

"monster este mister, mag bebell na po at pwede na po kayo umalis." nanunuyang sabi niya na ikinadilim ng mukha nito.

Papatulan niya sana, kaso inisip niya talikuran na lang niya at baka may regla ito ngayon kaya mainit ang ulo. Paalis na sana si Rod ng tawagin uli siya ng batang iyon.

"by the way mister, hindi ka guapo sa lahat ng tao, so paki baba ng confidence mo."nakangising sabi nito sa kanya.

Hinila na si Rod ng kabigan niyang si Dennis ng aakmang sasagutin niya ang batang iyon.

"pare kalma ka lang, bata lang pala katapat mo," natatawang sabi ni Dennis kay Rod

Dennis Matias Lopez Jr, 17yrs old, football player, babaero, isa sa mga estudyanteng ginamit ang yaman para makapasok sa St Valentine Academy.

Nalaman na lang ni Rod na Ella ang pangalan ng batang iyon ng tawagin ito ng grupo ng babae na malamang mga kaibigan nito.

Grade 12 student si Rod ng St. Valentine, dito pinili ng parents niya na mag aral siya, unlike sa kakambal niya, na nasa ibang bansa nag aaral. May scholarship program ang pamilya ni Rod sa St. Valentine bukod pa dito, stockholder dito ang mama niya.

Hindi naman nagtampo si Rod ng dito siya pag aralin ng mga magulang at hindi sa ibang bansa. Maganda rin naman ang kalidad ng St Valentine.

At bukod dito maraming babae sa school na ito. Mga babaeng magaganda na matatalino pa, na nagustuhan niya. Playboy siyang naturingan ng mga barkada niya. Papalit palit siya ng gf, sa edad na 7 una siyang nagkaroon ng gf at sa edad na 12 una niyang naranasan ang makipag sex.

Walang babae ang umaayaw kay Rod, lahat napapaamo niya pwera nga lang sa batang iyon.

Paano nga ba siya napadpad sa room 201?

Tinatakasan kasi ni Rod kanina si Nicole, ng mapadpad sila sa room 201 ni Dennis. Nang sa paggalaw ng mga mata niya napadako ang tingin niya sa babaeng nakaupo, na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nito.

Kaya naisipan na lang niyang pumasok para makilala ang naturang babae. Pero laging gulat ni Rod, ng papalakad sa kanya ang isang di katangkarang babae, chinita ito at bata. At pinapaalis siya nito. Nakakapikon ang mga sinabi nito sa kanya kanina. Hindi daw siya guapo.

Si Rod Cheung, anak ng nagmamay-ari ng isang kilalang Chinese magnate na si Ralph Lei Peng Cheung at ng asawa nitong Fil-Chinese na si Menchi Asis Lim-Cheung. May dalawa itong anak si Rico at siya lang naman, si Rod, they are twins. Pag aari lang naman ng pamilya nito ang Cheung Investment and Financing Sytem is a mother company of Cheung Iconics, Cheung Realty corp., Cheung IT Centre at R square hotel and resorts.

Rod is 17yrs old, football player, bolero, babaero, lakwatsero, at nagpapanggap na scholar sa St. Valentine Academy.

Ganyan kayaman ang pamilya ni Rod, pero wala siyang pakialam dito. Ang importante sa kanya ay mag saya, mag libang at mambabae. Hinahayaan lang siya ng magulang niya.

Ang siguraduhin lang niya ay makapagtapos siya ng pag aaral. Makakatapos siya basta may babae, pera at gimik na lagi niyang ginagawa.

Hindi maalis sa isip ni Rod ang sinabi ng batang iyon.

"by the way mister, hindi ka guapo sa lahat ng tao, so paki baba ng confidence mo."nakangising sabi nito sa kanya.

Bukod sa yaman, hindi maitatagong magandang lahi ang pinaggalingan ni Rod. Dahil nasa adolescent stage siya, mas lalo pa siyang tumatangkad sa height na 5'9. Chinito look kaso nasunog ang balat nito sa kakalaro ng football at soccer, mukhang natural at pantay naman ang pagkakasunog ng balat nito kaya sakto lang. Nakadagdag pa nga sa appeal niya ang naturang kulay. Idagdag pa ang singkit nitong mata, matangos na ilong, at kissable lips.

Na kinahuhumalingan ng mga babae. Bukod nga lang sa batang iyon. Bata pa kasi. Isip isip niya.

Matalino rin naman siyang maituturing, kahit nga hindi siya nagrereview nakakapasa siya sa klase.

Kung pagsusulatin siya ng biography, sa dami niyang katangian, kaguapuhan at kayamanan, daig pa niya ang isang honor student. Panalong panalo siya, kung qualifications lang ang pag uusapan.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon