Kabanata 28 -SPG-

574 33 5
                                    


"Kuyaaaaa," sigaw na tawag ni Ella.

Nag-uwian na ang ibang estudyante sa St. Valentine. Pero halos buhay na buhay pa ang gym sa ingay na ginagawa ng practice ng basketball team. Sinadyang puntahan ni Ella ang Kuya Steven nito para sabayan sa pag uwi, pero mukha yatang matatagalan pa ang mga ito.

Narinig ni Steven ang tawag ni Ella at humingi ito ng time out para mapuntahan ang kapatid. Tumatakbong pumunta ito sa kinaroroonan ni Ella.

"Kuya matagal pa kayo?" malambing na tanong ni Ella sa kapatid. Akmang yayakapin niya ito, ng natatawang umiwas ito sa kanya.

"Bunso, amoy pawis si Kuya. Baka dumikit sayo amoy ko.." natatawang sabi ni Steven na kunwari inaamoy ang suot nitong pangtaas na uniform.

"Mabango ka pa rin naman kahit pinagpapawisan," nakangusong sabi ni Ella.

May bahid katotohanan ang sinabi ng dalaga. Mabango ang kapatid niya. Siguro dahil hindi naman ito mahilig sa karne. Puro gulay ang hilig kainin nito. Bukod pa sa atleta ito na laging nag eehersisyo.

"Oh sige na nga, baka magtampo ka pa." niyakap nito si Ella at hinalikan sa ulo.

"Kuya, anong oras tayo uuwi?" tanong ni Ella, bumitiw ito sa kapatid at tumingala.

"Malapit na ito. Hintayin mo na lang ako diyan." Sabi nito at itinuro ang upuan malapit sa bench ng team.

"Sige kuya hintayin kita, magbabasa muna ako ng notes" sabi nito pero natigilan may kinakapa ito sa bag niya.

"Bakit iyon?" nag aalalang tanong ni Steven sa ginawi ng kapatid

"Ay, kuya naiwan ko, ang notebook ko sa room," naiinis na sabi niElla.

"Huwag mo na kunin. Or mamaya mo na kunin, sasamahan kita," nag aalalang sabi ni Steven

"Hindi kuya kukunin ko na. May mga tao pa naman," sabi ni Ella.

"Hindi na. baka mapano ka diyan sa daan," tangging sabi ni Steven

"Kuya nasa loob pa tayo ng Academy building may guard naman dito. Saka may mga cctv sa bawat sulok ng building. Ok lang ako. Kukunin ko lang iyon para mabasa ko na agad. Please kukunin ko na" nagsusumamong sabi ni Ella

Mula ng may mangyari kay Ella, ayaw na ni Steven umuwi ito na walang kasama. Natatakot siya baka maulit sa kapatid ang nangyari.

"Dali na kuya. Mabilis lang ako. Pleaseeeee......"nakangiting sabi ng dalaga.

"O sige basta madali ka lang. Pag hindi ka bumalik after 10minutes hahanapin na kita." Seryosong sabi nito sa kapatid.

"Oo kuya, promise." Natutuwang sabi nito na nagmamadaling umalis.

"Ella, huwag kang uuwi mag-isa. Huwag kang lalabas ng Academy. Dumeretso ka dito pagkatapos mo makuha iyong notes mo," pasigaw na sabi ni Steven habang lumilinga naman ang dalaga. Umakma pa itong nag flying kiss.

Bumalik si Steven sa practice ng hindi na masilayan ang dalaga at tuluyan ng lumabas ng basketball court.

.....

Naiiling si Ella sa mga sinabi ng kuya nito. Natutuwa siya at lagi na sila uli magkasabay ni Steven. Ilang linggo na rin ang lumipas mula nangyari ang insidenteng iyon. Pero wala na siya nararamdaman takot. Nakamove na siya sa mga nangyari sa kanya, Salamat kay Rod.

Nang malapit na siya sa building ng classroom nila patakbong umakyat si Ella sa Room 201. Hindi naman pinapatay ang mga ilaw sa building kaya halos maliwanag ang buong paligid. May gumapang takot sa kanya nang maalala ang kwentong katatakutan ng mga kaklase niya regarding sa building na iyon.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon