(Just play the theme song for this chapter)
"Rod bitawan mo iyan, baka biglang pumutok." takot na sabi ni Ella."Damn it. Bababa ka ngayon at susundin mo ang sinasabi ko. Makikipaghiwalay ka kay Lance." galit na sigaw ni Rod kay Ella. Hinila nito si Ella papuntang elevator.
"Rod." umiiyak na sabi ni Ella.
"Bumaba ka na. Ngayon na!" sigaw na Rod at ipinutok nito ang baril.
"Ahhhhh." nahihintakutang sigaw ni Ella dali-dali itong sumakay ng elevator at pinaandar iyon.
.........................
"Ella?," gulat na sabi ni Dennis ng mabunggo nito si Ella palabas ito ng elevator.
"Padaanin mo ako." umiiyak na sabi ni Ella at itinulak nito si Dennis.
"Anong nangyari doon?" tanong ni LJ kay Dennis
"Baka nakita na ang bagong laruan ni Rod." natatawang sabi ni Ramon sa dalawa.
Pumasok ang tatlo sa elevator, pupuntahan ng mga ito si Rod para yayaing mag-night out.
"Pare, kamusta? Nagamit mo na ba?" natatawang tanong ni Ramon kay Rod. Kabubukas lang ng elevator ng bumungad sa tatlo ang basag na vase sa sahig.
"Oo, natakot pare." nakangising sabi ni Rod.
"Hahahaha, magsumbong sa kuya iyon." natatawang sabi ni LJ sa dalawa.
"Hindi magsusumbong iyon. Kilala ko si Ella hindi nagsasabi kay Steven iyon." sabi ni Rod, pumunta ito sa mini bar at umupo para simulan uminom ng alak
'Pare, huwag tayo dito. Sayang ang gabi baba tayo sa bar, maraming dumating na turista kanina." sabi ni Ramon. Tiningnan nito si Dennis na tahimik lang. Kinuha pa nito ang boteng iniinuman ni Rod at tinungga iyon.
"Pare, may problema ka ba?"natatawang sabi ni LJ kay Dennis.
"Pahiram nga ako ng baril, may uunahin lang ako paggamitan niyan." seryosong sabi ni Dennis. Naalala pa niya ang nangyari kanina bago siya umakyat.
...................
"Steven, doon mo ako ibaba, mababaw naman ang tubig doon." sabi ni Marie nagpakarga siya kay Steven akala niya tatanggihan siya nito pero nagulat din siya ng kargahin siya nito sa likuran. Kay Eric at Lance lang kasi siya nakakapagbiro ng pagkarga.
"Mababasa tayo diyan, dito na lang sa malapit may tubig din naman." natatawang sabi ni Steven ng ibaba niya bigla si Marie muntik na itong malaglag.
"Hawakan mo kasi ako." natatawang sabi ni Marie, mababasa ang suot niya kung nalaglag siyang tuluyan, buti na lang naagapan ni Steven.
Naglalakad sila sa buhangin habang ang mga paa ay nababasa ng paroo't parito ng tubig dagat sa dalampasigan. Tiningnan niya si Steven, ito na siguro ang pinakamasayang araw ni Marie ang makasama at masolo ang matagal na niyang minamahal.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...