"Hi bhes, kamusta?"nakangiting bungad ni Marie kay Ella. Nasalubong niya ang dalaga papasok ng building."Ito ok na iyong kamay ko. Dalawang araw din akong absent."malungkot na pahayag ni Ella.
"Sus, ok lang iyon bhes. Makakahabol ka naman. Saka alam ko naman na nag rereview ka sa bahay niyo kahit hindi ka pumasok" sabi ni Marie. May hawak na naman itong maning hubad.
"Nakakahiya sa Math at Journalism hindi ako naka pag ensayo." nanghihinayang na sabi ni Ella.
"Ok lang din iyon bhes. Alam ko naman na makakahabol ka, saka mananalo ka sa dalawang contest na iyon."kampanteng sabi ni Marie, hindi nito itinigil ang kakanguya sa maning hawak.
"Mamigay ka man lang niyan. Langya ka kanina ka pa nguya ng nguya diyan."natatawang biro ni Ella sa kaibigan na halos kahit may laman pa ang bibig ay susubo na naman.
"O, nganga ka."sabi ni Marie na isusubo ang mani sa bibig ni Ella.
"Kadiri ka. Malinis ba iyang kamay mo? Hindi ka pa yata naggupit ng kuko. Saka may laway mo yan."nandidiring biro ni Ella na ikinasimangot ni Marie.
"Bahala ka kung ayaw mo. Kulang pa nga ito sa akin. Magpapalibre pa naman ulit sana ako sayo. Kahit mani lang, sampung piso lang ito."nakangiting sabi ni Marie.
"Saan naman tayo bibili niyan? Papasok na tayo."naiiling na sabi ni Ella.
"May bagong bukas diyan sa canteen katabi ng paborito mong milk tea booth. Halika punta tayo. Maaga pa naman."yaya ni Marie at hinawakan na nito si Ella sa braso.
"Hindi puwede, alam mo naman bawal ako maglakad-lakad diyan. Baka makita ako nila Kuya."sabi ni Ella.
"Hello bhes, nasa school ka. Saka ang laki kaya nito. Nasa kabilang building iyong kuya mo. At kung nag practice man iyon nasa gym na iyon. At napakalayo noon dito."sabi ni Marie na inikot pa ang mata.
Tatlong building ang St. Valentine para sa mga estudayante o mga classroom. Isang malawak na field, isang park, isang gymnasium at isang bulwagan, isang canteen, isang library, isang building para sa mga School Club, isang admin building kung saan nakaopisina ang mga may-ari at student council. Hindi pa kasali dito ang mga bakanteng lote nito sa paligid ng naturang mga building. At lahat ng ito ay magkakalayo sa bawat isa.
"Sige kasama naman kita eh."sabi ni Ella.
"Iyan dapat mag tiwala ka sa akin. Hayaan mo mabilis itong mga mata ko, kahit nagsasalita ako. Tulad niyan nakikita ko si Patty paparating kasama iyong future boyfriend niya." nakangiting sabi ni Marie sabay nguso sa paparating na si Patty.
"Hi, Ella. Hi, Marie."nakangiting bungad ni LJ. Nakahawak ito sa kamay ni Patty na ikinataas ng kilay ni Marie.
"Hi pogi. Balita ko kakanta kayo at kayo ang mag dadala ng party. Mala mini-concert uli ang dating nun."excited na sbi ni Marie at siniko ito ni Ella.
"hahahaha, Ang bilis naman makarating sayo ng balita. Wala pa man ang program list."natatawang sabi ni LJ.
"Pero may nasagap pa ako at hindi ko alam kung alam niyong tatlo."nakangising sabi ni Marie na ikinatahimik ng tatlo.
"Hahahahaha, gusto niyo rin malaman? Libre niyo muna ako. Maning hubad kay Ella at dahil as one na ang bilang niyong dalawa ni Patty at LJ, si LJ na manlilibre sa akin ng milk tea."pilyang sabi ni Marie.
"Hoy nakakahiya ka na. Huwag mo na lang sabihin iyang tsismis mo."siko dito ni Ella.
"Hay naku ka naman Ella."sabi ni Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...