"Girls, makinig kayo dahil ayaw naming kayo mahirapan maghanap pa ng makakapareha niyo for the pageant this coming Ms. InterHigh Elite, kami na ang naghanap para sa inyo." masayang sabi ni Miss Betty.Si Ms. Betty Lopez, kung tawagin ay tita, siya ang namamahala sa pag eensayo ng tatlong kababaihan ng St. valentine, isasali ang mga ito sa gaganaping paligsahan sa Academy kung saan makakalaban ng tatlo ang iba pang kababaihan na magmumula sa iba't ibang paaralan.
Sa kwarto sila ng mga oras na iyon para maghanda sa practice. Kailangan nila mapaghandaan ang naturang event na ilang beses na rin nilang napanalunan.
"Tita, sino naman ang napili ninyo? Dapat po guapo iyan, ha." natatawang sabi ni Alice isa sa kalahok.
"Tita dapat po iyong ma-iinspire kami sa pageant." natatawang sabi din ni Lennie
"Don't worry girls. Naghanap ako ng fresh looking boys, para may pang hatak din tayo." excited na sabi ni Ms. Betty.
"Tita we don't need that and I don't need any man beside me. I will win kahit wala ako kapartner." maarteng sabi ni Joyce habang nakaharap sa salamin ng dressing room.
"Iha kailangan natin manigurado. Lalo na hindi natin alam ang kakayahan at mga dala ng kalaban," baling nito kay Joyce.
"Tita, ilan beses ko na nauwi ang korona. Wala ka pa bang tiwala sa akin?." naiinis na sabi ni Joyce.
Si Joyce lang naman ang pambato sa paaralan simula ng dumating ito sa St. Valentine. Sa loob ng paaralan, sa loob ng dalawang taon nasungkit nito ang unang pwesto. Isinasali ito taon-taon sa iba't ibang paaralan na siya nitong napapanalunan.
Ngayon taon ang ikatlong beses niya pagsali. Dahil tatlong kategorya ang paglalabanan ngayon, kaya nakasali sila Alice at Lennie. Na siyang sumunod sa pwesto niya.
"Of course meron iha. Kaso Joyce iba ngayon kailangan pati magiging partner niyong tatlo nila Alice at Lennie ay may dating sa audience para masungkit niyo agad ang audience impact na 25% sa score." nakangiting pagpapaliwanag ni Ms Betty.
Kilala nito si Joyce na maarte, mataray, brat at matapobre. Pero kahit kailan hindi siya pinahirapan nito sa mga pageant na ginanap, na si Ms. Betty ang laging humahawak sa pag eensayo. Professional si Joyce pagdating sa pageant, siguro dahil bata pa lang pangarap na nitong maging beauty queen at model.
"Sino naman ang nakuha mong ipapareha sa amin, especially sa akin?" nakangiwing sabi ni Joyce. Na nagsusuklay na ngayon sa harap ng salamin.
"Bago ko sila ipakilala sa inyong tatlo siyempre kailangan niyong magbunutan. Idaan natin sa kapalaran ng mg kamay niyo kung sino ang masuwerteng lalaking mabubunot niyo." excited na sabi ni Ms Betty.
Kinuha nito ang garapon kaparehas ng lalagyan ng mga tanong sa question and answer portion ng pageant, na ngayon ay pinaglalagyan ng candy. Inalis ni Ms Betty ang nakalagay doon, nagsulat siya sa papel pero hindi pinakita sa tatlo kung ano ang isinulat nito.
Maya-maya ipinasok niya ang tatlong papel sa loob ng garapon at inalog iyon habang hindi mo ba alam kung natatawa o kinikilig ito sa ginagawa. Nang huminto ito sa pag-alog ng garapon.
"Girls ang kapalaran ng lalaking makukuha niyo ay nasa inyong mga kamay." pilyang sabi ni Ms Betty.
"Naeexcite ako." Halos magkasabay na sabi nila Alice at Lennie. Kinikilig ang mga ito.
"Ano ba kayong dalawa? Papel pa lang iyang bubunutin niyo. What more pa kung andyan na iyong ipapareha sa inyo." naiintimidate na sabi ni Joyce sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...