Kabanata 43

343 21 1
                                    


Sabado…..

Late na nagising si Ella ng araw na iyon. Nag paalam naman ang kuya Steven niya na maaga itong papasok at tinanong siya kung makikisabay. Dahil sa sobrang aga naman ng oras ng pasok nito kaya naisipan niya paunahin na lang ito. Wala naman siya gagawin kung aagahan niya ang pasok.

Kaya heto siya naglalakad mag isa  papuntang building.  Naaantok pa siya, dahil late na siya natulog kakaisip kay Marie. Nakayuko siya sa mga oras na iyon at waring tamad na tamad humakbang ang mga paa niya.... ng may nabangga siya.

Aray ko naman,”sabi ni Ella. Muntik na siya mabuwal at sigurado niya sinadya siyang banggain ng kung sinuman base na rin sa maluwag ang daan sa parteng iyon at nasa may gilid naman siya.

hahahahaha, ang aga naman para isipin ako.”natatawang sabi ni Rod. Sinadya nitong bungguin si Ella ng malakas para magising ang natutulog na diwa ng dalaga. Kanina niya pa ito pinagmamasdan mula sa malayo na parang ang lalim ng iniisip at parang tinatamad maglakad.

Pero alam ni Rod na mabubuwal ito kaya hinawakan niya agad ang mga braso ng dalaga.

Naku naman. Umagang umaga bakit ikaw una kong nasilayan.” Sabi ni Ella na hindi pa tinitingnan si Rod, inaayos nito ang pagkakatayo at ang body bag niya.

Suwerte mo kaya at ako ang una mong masusulyapan sa umaga.” natatawang sabi ng binata. Binitiwan na nito si Ella pero hindi pa rin umaalis sa harapan ng dalaga.

Bumaling si Ella kay Rod ng mapansin tagaktak ito ng pawis.

Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Ella.

Nakasuot si Rod ng football uniform nito, at halatang kanina pa ito nag eensayo.

Kanina pa kami dito. Maaga kami nag practice kasi mamaya mainit na sa football field,.”nakangiting sabi nito kay Ella.

Dapat hindi mo hinahayaan matuyuan ka ng pawis. Magkakasakit ka niyan.” nag- aalalang tono ni Ella. Wala sarili nito kinuha ang panyo niya at pinunasan ng pawis si Rod sa mukha.

Nagulat si Rod sa ginawa ni Ella pero napangiti ito. Tinitigan niya ang dalaga na waring hindi pa alam ang ginagawa nito sa kanya.

Hindi pa nakuntento si Ella pati buhok ni Rod na basa ng pawis ay pinunasan nito ng panyo niya at sinuklay pa niya iyon.

Oh, ayan ok ka na.”nakangiting sabi ni Ella ng wala na siyang makitang pawis sa mukha ng binata.

Tinitigan niya si Rod, sa aura nito kahit na pawisan hindi maitatangging hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhang taglay ng binata, pati ang pawis na nanggagaling dito ay mabango pa din.

Tapos ka na i-check ako?”pilyong ngiti ng binata ng hindi pa rin tumitinag si Ella na nakatitig sa kanya.

Namula naman ang mukha ng dalaga sa sinabing iyon ni Rod. Iniwas nito ang tingin pero hinawakan ni Rod ang mukha ni Ella.

“Hahahahaha, ang sweet mo pala. Huwag mong gagawin sa iba iyon bukod sa akin.”nakangising sabi ni Rod. Napansin niyang pinagpapawisan si Ella marahil sa hiya at tensyon na namamayani.

Kinuha ni Rod ang panyo sa dalaga at pinunas iyon sa butil butil na pawis na nasa noo ni Ella.

Hmmph, wala pa naman ako ginagawa pinagpapawisan ka na.”nakangiting sabi nito habang dahan dahan nitong pinupunasan si Ella.

“Hmmph, akin na nga iyan.”biglang sabi ni Ella sabay agaw ng panyo kay Rod.

Hahahahaha, bakit ba naiinis ka na naman? Ang gusto mo ikaw lang makatsansing eh.”natatawang sabi ni Rod, na pinunas pa ang panyo ng babae sa leeg niya.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon