Sabado ng umaga nang magising si Ella sa katok ng pintuan ng kwarto niya. Kailangan niya ng mahabang tulog dahil may exam pa sila sa Lunes. Pero heto at ang lakas naman kumatok ng nasa labas.
"Tuloy, bukas iyan, makakatok naman parang may emergency," humihikab at umuunat pa niyang sabi, ng iluwa ng pinto si Marie.
"Bhes tumayo ka dyan. Punta tayo ng school. May practice sila Steven ngayon di ba.?" Halos alugin siya nito habang kinikilig.
"ano ka ba Marie? May exam tayo sa lunes. Tantanan mo muna iyang landi mo sa katawan," saad ni Ella na akmang hihiga patalikod kay Marie
"huwag ka nang matulog, Magmumug ka na nga, saka maligo ka na," hinablot nito ang mga unan at kumot niya.
"ayoko pa, mamaya na lang. Balik ka na lang mamaya. Matutulog pa ako," antok na sabi ni Ella
"Ayoko. Makikikain ako dito. Tumayo ka na, sabay tayo kumain. Nakakahiya naman sa parents mo kung mauuna ako kumain sayo," pilit nito sa kanya habang niyuyogyug si Ella sa higaan.
"iyon naman pala makikikain ka lang pala. Mauna ka na. Wala ka naman hiya, ok lang iyan," hinila niya ang unan dito.
"ayoko, tumayo ka dyan," nagpipilit na hinihila siya ni Marie.
Dahil nawalan na ng gana matulog si Ella. At buhay ng ang dugo niya sa katawan. Napilitan na rin siya bumangon. Sabay sila kumain ni Marie. Pinipilit pa nitong pumunta sila sa practice nila Steven pero desidido si Ella na mag rereview sila.
Hindi naman kalakihan ang kwarto niya. May single bed, study table kung saan nakapwesto ang computer niya, cabinet ng lalagyan ng mga damit niya, may sofang maliit sa gilid ng bintana. Ang kwarto niyang may bintana ay tanaw ang likod bahay, may aircon na rin ito. Katabi lang niya ng kwarto si Steven
After kumain pumunta nasa kwarto sila Ella at Marie, pero may ibang pinagkakaabalahan na naman si Marie.
Na ikinainis na ni Ella. Nakaligo at nakalinis na siya ng kwarto niya pero si Marie mukhang walang balak mag aral. Mukhang balak lang nito tumambay sa kwarto niya na madalas nitong gawin.
"Hoy bata, tigilan mo na kakacellphone. Mag review na tayo. Exam na, puro ka basa diyan, sex lang naman yan binabasa mo diyan." Asar na sabi ni Ella.
Habang si Marie ay babad pa rin sa cp nito na bago at nakahiga pa.
"hoy girl, bunganga mo. Marinig tayo ng kuya mo."saway ni Marie.
Hindi na ito nagpilit kanina manood ng practice ng kuya niya. Dahil umuwi agad ang mga ito. At ngayon nasa kwarto nito si Steven.
"Totoo naman, kababae mong tao, ang manyak mo."pinandidilatan ni Ella si Marie.
"Grabe siya oh, hindi sex ang tawag doon, love making."sabi ni Ella na sadyang tinirik pa ang mga mata.
"Ganun din yun, tantanan mo iyan. Sa edad nating ito hindi ka dapat nagbabasa ng ganyan." Saway nito kay Marie na halos hindi pa rin tinatantanan ang kakadutdut sa cellphone.
"try mo kaya magbasa," pang-asar pa nito habang inaabot ang cellphone nito kay Ella.
"ayoko nga malaman pa nila kuya na nagbabasa ako niyan, lagot ako doon."tanggi ni Ella sabay talikod sa kaibigan para simulan na magbasa ng notes sa school.
"ano ka ba Ella, sa edad natin kailangan marami na tayong alam. Alam lang naman eh, hindi naman natin gagawin," banat pa ni Marie na parang may pinaglalaban.
"Kahit na ano. Ganoon din iyon, once na nag imagine ka sa binabasa mong puro malalaswa. Para mo na ring ginagawa ang bagay na iyon. Imposible naman na nagbabasa ka tapos hindi ka nag-iisip. Naku Marie tigilan mo ako. Tantanan mo iyan, marami ng manyak at malilibog na kabataan ngayon. Huwag ka ng dumagdag. Saka karamihan naman sa mga readers ngayon puro sex ang gusto kaya nagbabasa ng mga ganyan," mahabang litanya ni Ella habang nagbubuklat na ng libro.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...