(Just play the theme song for this chapter)
"Bhes, inlove nga sayo si Lance." namamanghang sabi ni Marie, binasa pa nito ang note na nakalagay sa baba ng painting.
Hindi akalain ni Ella na siya ang ipipinta ni Lance. Ang nasa larawan ay isang batang babae na nakatayo sa isang kagubatan habang tumatagos ang sinag ng araw sa mga dahon ng puno at mga sinag na iyon ang nagpapailaw sa kagandahan ng batang babae na ipininta. Nakatingala ang bata na waring minamasdan ang tumatagos na liwanag mula sa mga dahon ng mga puno.
Iyon ang araw kung saan nawala si Ella sa gubat at si Lance ang nakakita sa kanya, pitong taong gulang palang siya nang mga panahong iyon. Binasa ni Marie ang title ng painting ni Lance.
"The little girl I knew is the one I love" mahinang sabi ni Marie.
Sa baba nun nakasulat ng patula ang kahulugan ng ipininta nito.....
The humming of birds,
The flowers that blooms,
The rays of the sunlight
And the winds that blows
All of these are watching you
capturing your innocent face
And Loving your smile,
I am amaze for the light you gave
And surrendering my heart from a far
Waiting for you love....
And treasuring your young age
Just want to tell you
You are the paradise into my soul
-Lance-Tumingin si Marie kay Ella na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.
"Maganda ba?" nakangiting sabi ni Lance na nasa likuran nila ni Ella.
Napatingin si Ella dito, hindi niya alam ang sasabihin, kaya niyakap niya na lamang ito. Hindi niya akalain na ganito talaga siya kamahal ng binata.
"Hinihintay ko ang araw na ito. Kasi ito sana iyong araw na aaminin ko sayong mahal kita. Kaso may nauna na sa akin." natatawang sabi ni Lance.
Tumingin si Marie kay Lance at Ella, siguro kung hindi damating si Rod sa buhay ni Ella malamang ang dalawa sa harapan ang may relasyon ngayon. Ngumiti si Marie at lumayo muna sa mga ito.
"Kailan ba kita minahal? Hindi ko rin alam, basta ang alam ko unang kita ko pa lang sayo iba na ang naramdaman ko. Maghihintay ako Ella. Baka sakaling dumating iyong panahon na balikan mo iyong daan kung saan ako naghihintay sayo." sabi ni Lance at niyakap nito si Ella.
"Lance, sorry." naiiyak na sabi ni Ella. Pakiramdam ni Ella binigo niya ito at iniwan. Inilayo siya ni Lance sa pagkakayakap at tiningnan nito ang mga mata niya.
"Huwag kang iiyak. Basta nandito lang ako. Hindi man kita makuha ngayon, hihintayin pa rin kita." nakangiting sabi ni Lance at niyakap siya muli nito.
"Lance naman." sabi ni Ella, nahihirapan si siya pakiramdam niya napakasama niya si Lance.
"Babe, ano ka ba?" sabi ni Lance at niyakap pa nito ng mahigpit si Ella. Ayaw niyang mahirapan ito, naniniwala siya darating ang araw magiging sila pa rin ni Ella.
"Lance, okay na ba kayong dalawa? Kasi kailangan na natin pumunta sa gym." nakangiting sabi ni Marie sa dalawa.
"Halika nga dito," nakangiting sabi ni Lance kay Marie at niyakap nito ang dalawang babae na nasa harap.
.............
"Bhes, dito tayo umupo."sabi ni Marie marami ng taong sa gym ng mga oras na iyon.
Lima na lang ang maglalaban na koponan pero dahil lumaban na sila Steven last year sila ang may hawak ng tropeo na siyang pag-aagawan. Kailangan makuha muli ng St. Valentine ang tropeo para makuha nila ang anim na sunod-sunod na panalo sa loob ng anim na taon. Isa itong karangalan para sa St. Valentine kung mangyayari iyon. Lalo na ang tatlong huling taon ay si Steven ang basketball captain at center nito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantiekAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...