(Just click the theme for this chapter)
La Secretos 12am
"Fuck." sigaw ni Rod at binuhat nito si Ella na umiiyak. Kinalagan nito ang tali sa kamay mas matindi ang nangyari dito kaysa noong unang pagtatangka ditong halayin. Namamaga ang mga mata nito at namumula ang mga hita at braso nito maging ang tiyan ng dalaga ay ganoon din."Bakit hindi ka dumating?" umiiyak na sabi ni Ella kay Rod, halos pigain ang puso ni Rod sa sinabi ng nobya.
"Shit, sorry sweetheart." umiiyak na sabi ni Rod habang yakap ng mahigpit ang dalaga.
"Damn it. Sino may gawa nito?" galit na sabi ni Dennis ng lapitan nito si Marie, sa apat ito lamang ang nakapiring ang mata at may takip ang bibig. Halos namamaga na ang mga kamay at paa nito, bakas ang mahigpit na pagkakatali dito. Nang buksan ni Dennis ang piring at inalis ang bibig naroroon pa ang bakas na tinamo nitong sampal, dumudugo rin ang labi nito.
"Nasaan ka?" umiiyak na sabi ni Marie kay Dennis. Niyakap ni Dennis ang babaeng ni paghaplos hindi niya nagawa tapos heto ngayon bakas pa dito ang hawak sa mga hita ng dalaga, namumula iyon.
"Igaganti kita." umiiyak na sabi ni Dennis.Halos madurog ang puso niya ng hindi man lang makuha gumanting yumakap ni Marie dahil sa panghihina nito
"Babe, sorry." sabi ni Ramon inayos nito si Tiffany na nakayuko lang at umiiiyak ng tiningnan niya ito may sugat ito sa labi at unti-unti ng nagpapasa sa ginawang kababuyan dito, namumula ang mga braso na halatang hinawakan iyon ng mahigpit.
"Ayoko na. Ayoko na." humahagolhol na sabi ni Tiffany ng tumingin ito kay Ramon. Niyakap nito ng mahigpit si Ramon.
"Papatayin ko ang may gawa nito sayo. Papahirapan ko rin sila." nagpupuyos sa galit na sabi ni Ramon, hindi ito makapaniwala sa sinapit ni Tiffany. Nagbago ang awra nito na ngayon lamang nakita ng mga tao sa El Cielo.
"Hon," nakokonsenyang sabi ni LJ ng lapitan si Patty, unang beses niyang hindi ito hinatid. Halos gusto niya makapatay ng makita niyang dumudugo pa ang noo nito sa sugat gawa ng pagkaumpog, namumula ang katawan nito at may sugat din ito sa braso at hita, may bakas pa ito ng paso ng sigarilyo sa kamay nito.
"Lukaz, ayoko na pero ayaw nilang tumigil." umiiyak na sabi ni Patty at niyakap nito ng mahigpit si LJ.
"Sorry, damn it. Bakit kita iniwan?." umiiyak na sabi ni LJ, bawat sugat at pasa nito ay parang patalim na humihiwa sa puso niya.
Tumayo ang apat na lalaki, pumunta si LJ sa monitor ng cctv, samantalang mabilis na bumaba sila Rod, Ramon at Dennis.
"Hanapin niyo ang may gawa nito sa kanila." galit na sigaw Dennis sa mga bodyguard.
"Sinong nag-akyat sa kanila?" galit na sigaw ni Ramon. Hindi pa nakakasagot ang bodyguard ng magpaputok uli ng baril si Ramon.
"Sir, sila po." turo sa limang lalaking sakay ng van kanina.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...