“Eric andyan ka ba sa kwarto mo?’ tanong ni Marie habang kumakatok sa pinto ng kwarto ni Eric. Siya ang nakatoka sa interview kay Eric.Naiirita siya, hindi kasi napunta ang interview niya kay Steven. At ngayon heto siya nasa bahay na naman ni Eric. Pinapahirapan talaga siya nito. Dahil sa hindi niya pag uwi ng maaga sa bahay nila.
Naging close ito sa lola niya mula ng makilala niya si Eric. Napamahal nga si Eric sa lola niya dahil madalas itong pumunta sa bahay nila.
Noong nakaraan na araw nangako si Marie kay Eric na hindi aalis ng bahay nila, na hindi niya sinunod. Malay ba naman ni Marie na pupunta pala ito para icheck siya. Nakipagkwentuhan kasi siya sa iba nilang kaibigan ni Ella. Nalaman ni Eric na may mga kasama silang lalaki.
Kung gaano ito kaprotektado kay Ella ganoon din sa kanya. Para na silang kapatid ni Eric. Kaya ito ngayon si Marie kanina pa siya kumakatok. Deadline na nang pasahan ng article. Wala pa siya napapasa dahil sa tantrums ni Eric.
“Eric, ano ba? buksan mo na ito. Mag pa interview ka naman na. Ano ba yan napapagod na ako. Kakabalik balik dito,” sabi niElla habang kumakatok pa rin sa kwarto ng binata.
Di naman kalakihan ang bahay nila Eric, pero mas malaki ito sa bahay nila Ella. May kaya ang pamilya ni Eric. May lupang sakahan ang pamilya nito. Nagiisang anak kaya lahat ng lupang minana ng magulang sa mga ninuno ng mga ito, kay Eric lang naman mapupunta.
Madalas si Marie sa bahay ng binata. Dito siya minsan gumagawa ng project sa computer nito kapag ayaw niya istorbohin si Ella. Masaya rin naman kasing kasama ito at dahil naging close din siya sa mga magulang ng binata. Kaya nga nakakapasok siya anytime sa bahay ng mga ito.
“Eric ano ba? Hindi na ako aalis ng bahay ng hindi mo alam, pangako. Ano ba? para ka namang si Ella eh. Pinapagod niyo ako.”sabi pa rin niya. Mag iisang oras na yata siyang kumakatok dito.
Nang biglang may nagbukas ng pinto.
“Ano ba kasi iyon? Ilagay mo na lang diyan lahat ng alam mo sa akin.” Naiiritang sabi ni Eric.
“Paano ko ilalagay, eh hindi ko naman alam lahat sayo,” asar na sagot ni Marie.
“Kay Steven mo itanong, di ba siya ang gusto mong interviewin. Bakit kasi hindi si Ella ang nakatoka sa akin. Wala pa sana masyadong tanong iyon. Kasi kilala ako noon.”naiinis na sabi nito kay Marie.
“Ah ganoon, so si Ella pala gusto mo mag interview sayo. Oh ito ang ballpen at papel. Pumunta ka kala Ella bigay mo s kanya para pasagutan sa iyo,” napipikang sabi niMarie.
“Eh ganoon ka rin naman di ba? Si Steven gusto mo mainterview. Kung Steven nga naman ang interviewin mo, alam mo nga naman na lahat sa kanya. Ay hindi pala kasi nga pala ang gusto mo landiin pa siya,” galit na sabi ni Eric.
Hindi nakapigil si Marie at nasampal niya ito.
“Ano ba problema mo? Kung ayaw mo mag pa interview sa akin, sabihin mo. Hindi kung ano ano lumalabas sa bibig mo. Bahala ka sa buhay mo. Sagutan mo na lang iyan nasa papel.” Padabog itong umalis
Naiwan si Eric na hawak ang pisnge. Hindi naman niya balak sabihin ang mga salitang iyon. Pero napipika siya kay Marie, wala ito ginawa kundi maglakwatsa. Naasar pa siya dito ng malaman na makikipagpalitan ito sa kasama para lamang mainterview si Steven. Pasaway na bata. Mahirap itongpasunurin hindi tulad ni Ella dear niya.
Nasa may gate na nila ito ng pigilan niya ito umalis. Hindi rin naman niya kasi ito matiis.
“O sige na Marie. Mag papainterview na ako. Kaso pagluto mo muna ako, wala sila manang nasa palengke. Si mama nasa farm kasama si papa.” Pag aamo ni Eric dito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...