Kabanata 65

310 23 3
                                    


Bhes may dala ka bang extra bath towel? Nalimutan ko iyong akin. Si lola kasi nag-ayos nitong bag ko.” inis na sabi ni Marie.

Nasa St. Valentine student dorm sila para sa over-all review nila sa tournament. Nagmukhang over-night camping ang araw na iyon. Isang Linggo bago ang tournament ginagawa ang ganitong pagsasama-sama ng lahat ng kalahok na estudyante ng St. Valentine.

Oo bhes andyan sa bag ko. Alam ko naman marami kang kulang sa gamit mo. May toothbrush din diyan na sobra. Gusto mo bagong panty meron din ako diyan? May kulang pa? May pasobrang bra din ako diyan para sayo.” nakangising sabi ni Ella sa kaibigan na ikinatawa ni Patty at Tiffany.

Apat silang magkakasama sa room na iyon. Ito ang isa sa nagustuhan ni Ella sa Academy maalaga ang mga ito sa mga estudyante. At may mga activities ang naturang eskwelahan na nagpapagaling lalo sa mga estudyante. Kaya naman pursigido rin ang mga kalahok na manalo sa iba’t ibang paligsahan.

Na siya namang hindi binibigo ng mga mag-aaral ng St. Valentine.

Bhes ang harsh mo na, ang hard mo pa sa akin. May galit ka ba?” birong sabi ni Marie.

Tungaw hindi. Basta kung anong wala mo kunin mo na diyan sa bag ko.”sabi ni Ella.

Bakit ka ba busy diyan? Ano ba ginagawa mo?” nagtatakang tanong ni Marie. Nilapitan niya si Ella na mula ng umaga ay tahimik lang. Kung hindi nagbabasa ng notes nila, nagrereview naman ito para sa contest.

Itong binigay ni Maam Luz. Baka may mali pa,” mahinang sabi ni Ella.

Mamaya na iyan. Mag enjoy muna tayo. Ang ganda pala dito sa 4th floor ng Club Building.”natutuwang sabi ni Marie humiga pa ito sa kama.

Nasa ikaapat na palapag sila ng naturang building tinatawag itong CLUBee Dorm. Namangha ang mga first timer na nakapunta dito kabilang na silang mga grade 7. Hindi mo aakalain na ganito kaganda ang pasilidad dito.

Hanggang ikatlong palapag lamang kasi sila lagi. Minsan nga ikalawang palapag lamang dahil naroroon ang Journalism at Math Club na kinabibilangan ng apat na dalaga.

Sa ikaapat na palapag makikita mo ang mala condo unit style na pasilyo. Bawat kuwarto nito ay may apat hanggang anim na kama. Kung hindi naman double deck style, na kung saan makikita lamang ang ganitong style sa mga athlete o grupuhan na kalahok.

Dahil magkakapareho halos na sasalihang tournament sila Ella , Marie, Patty at Tiffany kaya magkakasama sila sa kuwarto. Na may apat na kama lamang. Pag pasok nila kanina nabungaran nila agad ang magandang kuwarto kung nasaan sila ngayon. May bintana pa ito at may sariling aircon.

Ang yaman talaga ng mga may-ari ng paaralan na ito. Worth it talaga pag nakapasok dito. Buti na lang matalino ako.” nakangising sabi ni Marie. Yakap pa nito ang unan.

Oo, naman. Kaya nga pinursige ko makapasok dito." pagmamalaking sabi ni Ella.

Kayong dalawa hindi pa ba tayo bababa kasi anong oras na. Baka dinner na sa baba.” sabi ni Patty.

Naka jogging pants sila na may tatak ng St. Valentine. Lahat sila ganoon ang outfit. Maganda ang tela ng naturang pants, halatang mamahalin ang tela noon. Binigay iyon sa kanila kaninang alas singko ng hapon.

Pinauwi ang mag estudayante na hindi kasali sa paligsahan at naiwan ang mga kalahok lamang. Ibinigay sa kanila ang pants kasama ang t-shirt na may tatak din ng naturang paaralan.

Bhes ang bango ng pants at tshirt na ibinigay parang yayamanin ang downy nila.” sabi ni Marie.

Naligo muna sila pagdating nila sa kuwarto bago isinuot iyon. May cr naman kasi bawat kuwarto kaya lalo sila napahanga sa galing ng admin ng paaralan.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon