“Nakakaasar naman ngayon pa umulan,” naiinis na sabi ni Ella sa sarili
Palabas na siya ng campus at pauwi na sana. Nang nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng biglang bumuhos ang malakas na ulan buti na lang may waiting shed siyang nadaanan.
Malayo pa naman ang gate mula dito at kung babalik siya sa St Valentine, ganoon din kalayo ang layo nito.
Malawak ang St Valentine Academy, may tatlong building na nakapaligid dito. Bawat building ay may tig lilimang palapag. Ilang kilometro rin ang lalakarin mo para makalapit sa mga building nito.
May tricycle naman sana, kaso tuwing umuulan hindi pinapayagan bumiyahe paloob ng campus, dahil bihira romonda ang mga guard dito, kapag umuulan. Sinasarado ang gate sa harapan para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.
“lobat pa naman ako paano ko tatawagan sila kuya, pagabi na.” natatakot nitong sabi ni Ella sa sarili.
Pinauna niya kasi si Marie kanina ginawa pa kasi ni Ella ang isang article sa school magazine. Basang basa na ang damit niya, wala siyang dalang payong sa pag aakalang hindi naman uulan dahil napakaganda ng araw kanina.
Nasa ganoong nakakahabag siyang sitwasyon nang may magsalita sa bandang likuran niya.
“Ano ginagawa mo dito?”pasigaw na sabi nito dahil sa lakas ng ulan.
“Ay butiki,”sabi ni Ella, napatalon pa siya sa gulat.
“Gabi na, dapat wala ng grade 7 na gumagala dito” nakaupo ang lalaki sa motor nito
Hindi maaninagan ni Ella ang mukha nito, dahil papadilim na at nasa gawing damuhan ito malapit sa waiting shed. Ngayon lang napansin ni Ella na parang may daan doon, mukha pa ngang may bahay sa gawi nun. Napakislot si Ella ng magsalita uli ang lalak
“Nawalan ka yata ng dila ngayon bata, hindi mo ba alam na pwede kang pagsamantalahan ng kung sino sino sa lugar na ito,” saad ng lalaki.
Mukha itong naninigarilyo dahil sa usok na lumalabas sa bibig nito at naamoy din niyan iyon sa bawat pagbuga nito.
Kahit na madilim kilala niya ang boses nitong may pagka maangas. Kahit ang aura nito na naaaninagan niya lang ay may kutob siya kung sino ito. Bigla siyang tumikhim bago magsalita ng maramdaman niya na papalapit ito sa kinatatayuan niya.
“Ahmm, umulan po kasi bigla.” Sabi ni Ella, nakaalerto naman siya kung may gagawing masama ang lalaking ito.
“So nag iisa ka pala at walang hinihintay,” sabi nito habang binuga ang huling usok ng sigarilyo nito sa bibig at pinagpatuloy ang paglapit sa kanya.
Nang papalapit na ito naamoy niya ang pabango nito na alam niyang mamahalin, sa amoy niya ay Bleu de Chanel ang pabango nito na nagkakahalaga lang naman na mahigit pitong libong piso .
Mahilig kasi siya mag window shopping ng ibat ibang klaseng mamahaling pabango sa mall ng magawi sila sa Manila noon. Alam niya na mahal ang klase nito.
“gusto mo angkas ka na lang sa akin…” natawa ito ng bahagya sa sinabi at nagpatuloy
“…. What I mean, angkas ka sa motor ko, hatid kita kahit sa labasan lang,” may bahagyang ngiti ito sa labi na lumabas ang isang maliit na dimple nito, na ikinatitig niya sa lalaki.
“huwag mo ako titigan baka ano gawin ko sayo,” may pagbabantang sabi nito
Natauhan naman si Ella sa sinabi nito.
“Manyak ka talaga, Rod” hampas ni Ella ng bag kay Rod.
“Uy, kilala mo ako? Sabi ko na nga ba kaartehan mo lang iyong ginagawa mo sa akin,” nakangising sabi ni Rod habang umiiwas sa paghampas niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...