Kabanata 103: Pray

263 20 13
                                    

(Just click the theme music for this chapter)

"Two weeks na lang at one-week trip na sa El Paradiso, excited na ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Two weeks na lang at one-week trip na sa El Paradiso, excited na ako." sabi ni Marie kay Ella at Patty nasa ValPark sila ng araw na iyon.

"Kaya nga Marie nakahanda na kaya ang gamit ko." masayang sabi ni Patty.

"First time ko kaya mag one-week trip na ganyan tapos libre pa. Kaya I make sure na lulubusin ko iyon." sabi ni Marie kinuha nito ang cellphone at nag browse tungkol sa isla.

"Ako rin. Basta huwag natin kalimutan pumunta sa bundok saka sa kuweba." excited na sabi ni Patty.

"Oo naman. Bumili pa ako ng flashlight para sa kuwebang iyon. Excited ako kung anong meron dun." nakangiting sabi ni Marie, nilingon nito si Ella halos isang linggo na itong tahimik at tipid kung sila ay kausapin.

"Bhes, hello nandyan ka ba?" birong tanong ni Marie kay Ella nilingon lang siya nito at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ano ba Ella? Itigil mo nga iyan, wala na nga tayo masyado ginagawa dahil excited na ang lahat sa isla, tapos ikaw para gusto mo na yatang tapusin ang buong libro ng Araling Panlipunan." sabi ni Patty.

"Oo nga bhes. Halos nga kabisado mo na ang laman niyan." sabi ni Marie.

"Biruin mo kada recitation hindi lang sagot ang sinasabi mo. Buong talata ang nire-recite mo at halos magulat na sayo si Maam. Kulang na lang ipasa ka na sa buong taon." sabi ni Marie.

"Itigil mo na iyan Ella. Buti sana kung Araling Panlipunan lang, pati Science na libro natin memorize mo na rin. Mababaliw ka niyan kung lahat ng libro kakabisaduhin mo." nag-aalalang sabi ni Patty.

"Kapag hindi ko ginawang busy ang sarili ko maaalala ko siya." naluluhang sabi ni Ella.

Tiningnan nila Marie at Patty si Ella, isang linggo na mula ng mangyari ang insidente kay Rod. Hindi na ito pumasok kinabukasan. Nakibalita sila sa mga kaibigan ng binata pero wala rin masagot ang mga ito at mukha naman talagang wala rin alam ang mga ito.

"Bhes, kalimutan mo na kasi siya. Baka talaga hindi kayo para sa isa't isa. Sabi ko naman sayo mag-enjoy ka muna. Dose anyos pa lang tayo hindi natin kailangan problemahin ang mga bagay na iyan." sabi ni Marie .

"Ella, sorry sa nangyari pero sana tanggapin mo na lang sa sarili mo na baka hindi talaga kayo. Isipin mo isang linggo na pero hindi ka man lang niya tawagan. Baka nakapag-isip na rin kasi si Rod." sabi ni Patty.

"Hindi kasi biro ang ginawa niya, bhes. Nag 50-50 ang buhay ni Kian ng dahil sa ginawa niya. Hindi iyon maganda para sa isang disi syete anyos mag-isip." sabi ni Marie.

Tiningnan ni Ella ang mga kaibigan, hindi niya kayang kalimutan si Rod. Halos gabi-gabi niya itong iniiyakan. Kahit ng tawagan niya ang lalaki sa cellphone nagriring lang iyon at walang sumasagot. Tinawagan niya ang mansion ng mga Cheung at doon niya nalaman na nasa Amerika na si Rod kinabukasan pagkatapos mangyari ang ginawa nito kay Kian.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon