“Sabi ko sa inyo, worth it ang pagpunta dito sa concert. Maganda na libre pa,”hindi maawat na tuwa ni Marie habang nagsasalita.Sila na lamang ang natira at nagsiuwian na ang karamihan ng mga estudyante. Mag hahatinggabi na at pagod at antok na sila.
“Sige na panalo ka na. Pero gabi na. May dala ka bang cellphone,” sabi ni Ella kay Marie
“Bakit hindi mo pa ba sinasabi sa inyo na nawawala iyong cellphone mo. Magaling ka rin magtago, ano,” nakangising sabi ni Marie kay Ella
“Hindi pa saka ko na sasabihin, text mo na lang si kuya, Pasundo tayo.” Sabi ni Ella kay Marie
“Sandali naiwan ko iyong papel sa loob, iyong mga itatanong sa interview kay LJ. Nakakairita, naiihi pa naman ako,” sabi ni Marie
“Eh, naiihi din ako ayaw mo kasi kanina, mag cr muna. Ilang oras din iyon ha. Masakit na rin pantog ko,” inis na sabi ni Ella kay Marie
“Ganito na lang, tutal umihi ka na kanina Patty. Ikaw na pumasok sa loob. Kunin mo, andun lang iyon sa mesa malapit sa stage. Wala pa naman pumapasok para maglinis. Hintayan tayo dito gate ng gym.” Sabi ni Marie na nagmamadali na dahil naiihi na talaga ito.
Tumakbo na ito kasama si Ella, at nag uunahan ang dalawa makarating sa CR. Naiwan si Patty sa labas ng gym at nag aalangan pumasok muli sa loob. Kaso no choice siya…
“Haist, sumama pa kasi ako sa mga isip batang ito,” buntunghininga na sabi ni Patty sa sarili.
Sa loob ng gym, halos napapagod na siya sa kakalakad, Malaki ang gym at kung sa pinanggalingan nga ba nila Ella nahulog iyon. Malamang napakalaki ang hahanapan niya. Sa gulo ba naman ni Marie kanina kakahatak sa kanilang dalawa ni Ella.
“Nakakaasar naman, saan ko ba lupalop hahanapin iyon. Naisahan yata ako ng dalawang iyon, dapat ako na lang pala ang naghawak kanina,” sabi ni Patty sa sarili.
Nakatungo siya at naghahanap sa mga nadaanan nila kanina ng may nabunggo siya.
“Ano ba yan? Ang laki laki ng gym bakit ba sa dadaanan ko pa,? Naku naman talaga oo,” Asar na sabi ni Patty.
“Hahahaha, ang init naman ng ulo mo. Ano ba kasi ginagawa mo pa dito. Wala ng tao. Gusto mo ng authograph ko?” nakangising sabi ni LJ sa kanya
Nang itaas niya ang mukha nabungaran ni Patty ang nakangiting singkit na mata ng lalaki. Naumid ang dila niya sa mga matang iyon sinabayan pa nito ng pagngiti.
“Pasaway ka Patty, lalaki iyan, manloloko din iyan,” bulong ni Patty sa sarili. Nang bigla uli ito magsalita
“May nakita ako kanina dito nahulog ng kasama mo. Ito ba ang hinahanap mo?” seryosong sabi nito na iwinagayway ang papel na nasa mga kamay nito.
“Ahhhh, oo. Kunin ka na iyan,” sabi ni Patty na hahatakin niya dapat ang papel ngunit inilayo ng binata sa kanya.
“Nabasa ko ito kanina. Mukhang mga tanong ito para sa akin,” sabi nito habang kunwaring binabasa ang papel.
“OO, kaso bukas na naming gagawin kasi gabi na. Saka si Ella nakatoka diyan,” mabilis na sabi ni Patty.
“Owwsss hindi nga. Nabasa ko kasi dito sa baba. Article by: Patricia Jane Suarez.” Pilyong ngumiti ito
“Lukaz, ano kasi aking article iyan. Pero tatlo kami magtatanong sayo,” naiilang na sagot ni Patty dito..
Ngumiti na naman ito sa kanya. Bakit ganoon pag ngumingiti siya parang ngumingiti rin ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...