Kabanata 86: Believer

306 27 8
                                    

(Try to play and listen for the theme song for this chapter)

"Bhes halika na hinihintay na tayo nila Steven." bulong ni Marie kay Ella. Hinawakan na nito sa kamay ang kaibigan. Alam niyang pagagalitan na naman ito ng todo ng kuya nito

"Sandali magpapaalam lang ako." bulong ni Ella, pero sa isip niya ayaw niya umuwi siguradong hindi lang sermon ang matitikman niya sa kapatid.

Nakahawak si Rod sa kamay ni Ella, mahigpit ang hawak ng dalaga sa kanya. Nilalamig na naman ang kamay nito na halatang natetensyon sa kapatid nitong si Steven.

"Rod, uwi na kami." napipilitang sabi ni Ella, hindi niya makuhang tumingin dito at baka makita nito ang kabang kanina pa niya nararamdaman.

"Ihahatid na kita." sabi ni Rod. Niyakap nito si Ella para maalis kahit kaunti ang takot nito sa kapatid.

"Huwag mo na siya ihatid." pigil dito ni Marie malaking gulo na naman ito pagnagpumilit si Rod sa gusto nito.

Nauna ng inihatid ni Steven si Alyssa, gayundin sila Kat at Nicole na ka-date nila Eric at Lance. Nakuha pang iuwi muna ni Steven ang sasakyan nito sa bahay para makasabay nito si Ella sa van ni Eric.

"Hindi ka niya puwede ihatid, nasa labas na iyong tatlo at hindi maganda ang timplada." bulong ni Marie kay Ella.

Bumaling si Ella kay Rod, kasama nito si Dennis na masama ang tingin kay Marie. Nang biglang dumating si Lance.

"Ella halika na. Umaga na ng makapaghinga na tayo." sabi ni Lance ng makalapit ito. Hinawakan nito si Ella sa kamay.

"Oo Lance." tugon ni Ella at sinulyapan nito si Rod.

"Pare hindi mo naman kailangan hawakan." sarkastikong sabi ni Rod kay Lance ng akmang hahawakan nito sa baywang si Ella. Binalingan ito ni Lance at nginisian.

'Pare, tapos na oras mo" sabi ni Lance at iginiya na si Ella paalis nakasunod dito si Marie na dinilaan pa si Dennis bago umalis.

"Damn it." sabi ni Rod ng makaalis sila Ella.

"Sundan natin." nakangising sabi ni Dennis. Hindi niya matanggap ang ginawa ni Marie sa kotse niya. Nakisabay siya ngayon kay Rod at iniwan niya ang sasakyan sa pinagdalhan niya kay Marie kanina.

Tumingin lang si Rod sa kanya at sumakay sila ng sasakyan para sundan ang mga ito.

...............

Nakasakay na silang lahat at hindi pa umaandar ang van ni Eric. Nakakabinging katahimikan ang namamayani ng bumulong si Marie.

"Bhes, may take out ka bang mani. Natetensyon ako." bulong ni Marie kay Ella. Kanina pa kinakabahan si Marie dahil kahit siya hindi pinapansin ng dalawa kanina pa, ultimo nga si Lance ni hindi siya mangitian.

"Meron diyan, pinadala ni Rod sayo na lang lahat." bulong ni Ella. Nasa pinakalikod sila ng van umupo ni Marie iyong tipong hindi sila maaabot kung sakaling may magaganap na pagpalo.

"Kamusta ang pakikipagharutan niyo kanina. Halatang nag-enjoy kayo. Ikaw Marie saan ka dinala ni Dennis?" nagtitimpi sa galit na sabi ni Steven, naudlot ang pagsubo ng mani ni Marie at isinubo na lang iyon kay Ella.

"Hindi ko alam." sagot ni Marie. Hindi naman niya talaga alam kung saang lupalop ba ng Academy ang pinagdalhan ng manyakis na iyon. Basta tumakbo lang siya at ng may makitang sasakyan sinundan iyon pero isa lang ang sigurado niya nasa loob pa rin siya ng mga oras na iyon sa Academy.

"Hayop sa gimik. Hindi ka ba nahihiya hinalikan ka ng lalaki sa harap ng mga estudyante. May mga teacher pang nakakita. Tingin mo? sa dose anyos na tulad niyo, maganda iyon?" sarkastikong sabi ni Steven.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon