(Just play the theme song for this chapter)
5th day El Paradiso
10pm Mt. Esperanza"Kamusta? Uulit pa kayo?" sarkastikong tanong ni Rod kay Ella at Marie.
"Buhay pa naman kami." mahinang sabi ni Marie nakuha pa nitong nginitian si Dennis.
"So hihintayin mo pang may mamatay?" inis na sabi ni Dennis.
"Nakalangoy naman kami ni Marie. Biruin niyo kahit may injury ako nahila ko siya pataas." proud na sabi ni Ella nakapag-apiran pa ito kay Marie.
"Hindi naman ako pababayaan ni Ella." sabi ni Marie, sumisinghot na ito na parang magkakasipon. Maya-maya sabay silang nabahing ni Ella na ikinatawa din ng dalawang dalaga
"Tumigil nga kayo sa pagtawa." naaasar na sabay na nasabi nila Dennis at Rod na ikinatawa uli nila Marie at Ella.
"Hindi na kayo lalangoy doon." inis na sabi ni Dennis
"Pero pupunta tayo doon sa sinasabi mo?" tanong ni Marie kay Dennis.
"Saan kayo pupunta?" kuryusidad na tanong ni Ella kay Marie.
"Doon sa tinanong natin sa information, iyong nasa advertisement pamphlet ng hotel." sabi ni Marie..
"Sasama ako." excited na sabi ni Ella at nakalimutan nila na naroon pa ang dalawang lalaki at galit na nakatingin sa kanila.
"Oo, deretso tayo bukas doon kasi kapag nakita tayo ni Steven at Eric malamang hindi na tayo payagan." natatawang sabi ni Marie.
"Sakto isang buong bahay ang dala ko sa bag na damit." excited na sabi ni Ella.
"Kaso wala na akong pera dito. Paano tayo bibili sa souvenir shop?." tanong ni Ella.
"Marami pa akong pera dito galing sa momy niyan." nakangiting sabi ni Marie at nakuha pa nitong ituro si Dennis.
"Pautang ako. May nakita ako sa pamphlet na souvenir na nagustuhan ko, bilhin natin." sabi ni Ella.
"Bibilhan na lang kita, hindi ko naman pera iyon. Pera naman niya iyon." natatawang sabi ni Marie sabay turo kay Dennis.
"Sige may maliit din na bar doon puntahan din natin." sabi ni Ella.
"May swimming pool daw doon na nakaharap sa dagat, huwag natin kalimutan puntahan." sabi ni Marie.
"Kakasya ba iyong pera mo na ibinigay niya?" tanong ni Ella na tinuro na naman si Dennis.
"Oo kapag hindi kasya may mapagkukunan pa naman tayo." nakangising sabi ni Marie at inilapit nito ang kamay kay Ella.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...