Kabanata 104: Savage Love

277 23 11
                                    

(Just play theme song for this chapter)

"Marie, sama ka sa amin mamaya sa mall? Pupunta kasi kami ni Lance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Marie, sama ka sa amin mamaya sa mall? Pupunta kasi kami ni Lance." nakangiting tanong ni Ella kay Marie nakahiga ito sa kama.

"Hindi na. Istorbo lang ako sa date niyong dalawa." pilyang sabi ni Marie.

"Baliw. Date ka diyan. Hindi date iyon manonood lang kami sine." natatawang sabi ni Ella.

"Okay kung ang panonood ng sine ng isang single na lalaki at isang single na babae ay hindi date. So hindi, sabi mo, eh." nakangising sabi ni Marie sampung araw mula ng wala pa ring komunikasyon ang kaibigan kay Rod, pero parang nakakamove on na nga ang kaibigan dahil kay Lance. Nagbago ang kaibigan mula ng mag-usap ang dalawa sa canteen ng Academy.

"Sira, hindi naman talaga date na matatawag iyon, kaibigan ko lang si Lance. Kung ikaw ay girl friend ko siya na may iyong boy friend ko. Parang ganoon lang iyon, walang malisya dun." nakangiting sabi ni Ella. Sabado ng hapon ng araw na iyon ng magyaya si Lance manood ng sine, hindi naman niya napahindian ito. Dahil dito gumaan ng kaunti ang lungkot na nararamdaman para kay Rod.

"Okay uli." natatawang sabi ni Marie at binato ito ng unan ni Ella.

"Sumama ka na, please." sabi ni Ella, kiniliti nito si Marie hanggang mapapayag ang kaibigan.

"Sige na sasama na ko." natatawang sabi ni Marie. Ayaw man niya sumama dahil ang gusto niya ay mapagsolo ang dalawa, pero baka naman dahil sa kanya pa kung hindi matuloy ang panonood ng sine ng mga ito.

"Yesss." masayang sabi ni Ella at niyakap nito si Marie.

"Okay na itong suot ko ha." sabi ni Marie tumayo ito, nakajeans ito at hanging shirt.

"Oo naman. Kahit naman anong suutin mo mukha ka pa ring nakaporma." sabi ni Ella. Si Marie ang tipo ng babae na kahit anong suutin nagmumukha itong nakaporma kahit butas nga ang suot nito maganda pa rin tingnan sa dalaga.

"Bola." natatawang sabi ni Marie. Tiningnan nito si Ella naka jeans lang din ito at simpleng t-shirt napasimangot siya sa suot nito.

"Bakit? Panget ba?" nagtatakang tanong ni Ella at tiningnan nito ang sarili sa salamin.

"Magpalit ka nga." sabi ni Marie at naghanap ito ng damit sa cabinet ni Ella. Nakuha nito ang isang above the knee na floral sleeveless dress na pink color.

"Ito okay na ito, tapos mag doll shoes ka na lang." nakangiting sabi ni Marie.

"Bakit ako nakaganito?" nagtatakang tanong ni Ella.

"Wala lang. Paghindi mo ito isinuot hindi ako sasama." sabi ni Marie at umupo uli sa kama.

"Sige na. Ito na susuutin ko." nakangiting sabi ni Ella. Isinuot niya iyon, malambot naman ang tela ng damit naiilang lang siya dahil sleeveless iyon at hindi lalagpas ng tuhod.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon