Alas nueve na ng gabi at nag iisa na naman si Ella habang binabaybay ang daan palabas ng St. Valentine.Naiwan siya sa Journalism Room dahil tinapos niya ang mga huling article na ipiprint para bukas.
Ayaw pa sana umuwi ni Marie kaso alam ni Ella masama ang pakiramdam ng kaibigan kaya kahit ayaw nitong iwan siya. Pinilit niyang pauwiin ang kaibigan.
Buti na lang din, kasi hindi niya rin expected na gagabihin siya ng ganito.
Halos madilim na sa daanan. May ilaw naman sa mga poste nito pero dahil puro puno at damuhan ang naturang daanan mahina ang dating ng ilaw sa kalsada.
Tinawagan niya ang kuya niya kaso mukha yatang lobat ang cellphone nito at kay Eric naman ay nagriring lamang. Ayaw naman niyang istorbohin si Lance at baka busy ito sa trabaho. Ilang araw na rin nasa kanya ang cellphone ni Marie.
Gusto niya sana ibalik na ang cellphone nito, kaso umayaw ang kaibigan. Mas inuna pa siya nito at baka daw mapuna nila Steven ang pagkawala ng cellphone niya. Napakabait ni Marie sa kanya kaya kahit minsan hindi niya rin iniwan ang kaibigan.
Nasa paglalakad si Ella ng may maulinigan siyang nag uusap sa paligid, sa bahagi ng damuhan. Ang parte na iyon ng ST. Valentine ay hindi pa nadedevelop. Mababa lamang ang gate na tumatabing sa dulong bahagi na paaralan.
“Pare dito tayo, mukha naman wala ng mga tao dito,” rinig ni Ella na sabi ng lalaki.
Kinakabahan siya, mukhang hindi pa naman siya napapansin ng mga ito kaya binilisan niya ang paglalakad. Ito ang parteng gitna pa lang ng St Valentine, malayo pa siya sa may pinaka entrance ng paaralan.
“Pare sandali may babaeng naglalakad,” sabi ng isang lalaki.
Narinig ni Ella ang sinabi na iyon ng dalawang lalaki. Kinakabahan na siya dahil alam niyang napansin na siya ng mga ito. Hindi niya alam kung ilan ang mga ito at kung sino ang mga ito. Binilisan pa niya lalo ang paglalakad. Halos lakad takbo na ang ginagawa niya. Nang may humarang sa kanya.
“Miss, gabi na ah. Mukhang ginagabi ka ng uwi. May kasama ka ba?” sabi ng lalaking payat, mukha itong adik base sa mukha nitong payat at balikat na hindi pangkaraniwan ang pagkakataas.
Hindi iyon pinansin ni Ella. Pilit niyang iniiwasan ang mga ito at binilisan pa lalo ang lakad.
“Miss sandali lang kinakausap ka ng kasama ko. Huwag ka naman bastos,” sabi ng isa nitong kasama matangkad ito pero payat din.
Sa hinuha ni Ella mukhang bangag sa droga ang mga ito. Nagulat pa si Ella na hindi lang tatlo ang naroon limang lalaki pa ang sumulpot mula sa dilim ng damuhan. Nanginginig na si Ella sa takot. Pero nakuha pa rin niyang magsalita.
“Uuwi na po ako. Sige po,” sabi ni Ella na hindi naitago ang kaba sa boses nito.
“Miss naman. Magpakilala ka man lang,” sabi ng lalaki na humarang sa daraanan niya.
Sobrang takot na ang nararamdaman ni Ella. Bukod pa dito, humarang na ang tatlo sa daraanan niya.
“Pauwiin niyo na po ako. Hinahanap na ko ng Kuya ko,” nakikiusap na sabi ni Ella.
“Tangna pare may kuya.” sabi ng isa at sinabayan pa ito ng sipol.
“Hinahayaan ka ng Kuya mong umuwi mag isa. Aba anong klaseng kuya iyon. Hindi ka man lang chinecheck.” Nakakalokong tawa ng isang lalaking may katabaan at nagyoyosi ito.
“Parang awa niyo na po. Padaanin niyo ako. Gusto ko ng umuwi,” pakiusap ni Ella.
Naiisip na ni Ella na delikado na, kaya pinasok niya ang kamay niya sa loob ng bag at kinakapa ang cellphone ni Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...