"May masakit ba sayo?" tanong ni Steven kay Ella nakaupo ang kapatid sa kama nito at nakatingin lang sa kanya."Ok lang ako" sabi ni Ella. Gusto na muna niyang mag-isa. Gusto niya muna ng tahimik. At gusto niya muna lumayo sa gulo.
"Iyang tiyan mo, sa parteng iyan. Ano nangyari?" usisa ni Steven sabay turo sa tagiliran bahagi ni Ella. Kailangan niya malaman ang totoo kay Ella. Tatlong araw na ngayon mula ng tahimik lamang ang kapatid. Madalas itong nakakulong sa kuwarto at walang ganang kumain.
"Gusto ko muna magpahinga kuya." pagod na sabi ni Ella. Gusto na niya aminin ang nararamdamang sakit sa katawan pero baka pagalitan lang siya nito.
Nilapitan ni Steven si Ella, parang ama ang turing nito sa kanya. Lahat sinusunod ng kapatid pero nagbago ito ng makilala nito si Rod.
"Ganito na lang. Sabihin mo sa akin kahit ano pa iyan. Promise hindi ako magagalit." mahinahon na sabi ni steven.
"Wala talaga kuya. Pagod lang ako." sabi ni Ella.
"Hindi ako aalis dito. Gusto mo bang hindi matulog ang mga kaibigan mo?" babala ni Steven. Kailangan niyang konsensyahin ng unti ang kapatid para magsalita ito.
Hindi mapigilan ni Ella ang nararamdaman. Bigla siyang napahagulhol sa dinaranas. Nilapitan ito ng kapatid at akmang yayakapin.
"Huwag mo ako yayakapin."sabi ni Ella na ikinagulat ni Steven.
Tinaas ni Ella ang t-shirt. Napamura si Steven sa nakitang pamamaga ng tagiliran ng kapatid.
"Sinong may gawa niyan?"tanong ni Steven kailangan niya magtimpi sa galit dahil mukha hindi kakayanin ng kapatid ang nangyayari dito.
"Nasalo ko kasi iyong sipa ni Ramon, na dapat kay Lance, noong bugbugin nilang tatlo si Lance." umiiyak na sabi ni Ella. At ikinuwento ni Ella ang ibang nangyari ng araw na iyon.
"Pero bakit ganyan ang itsura niyan?" sabi ni Steven mukhang galing sa hazing ang katawan ng kapatid.
"Nawala ko kasi iyong gamot at reseta. Hindi ko alam kung saan ko nawala." umiiyak na sabi ni ella.
Tumayo si Steven at umupo sa tabi ni Ella.
"Pupunta tayo ngayon sa hospital. Ipapatingin natin iyan. Mawawala din iyong sakit niyan. Pangako ni Kuya." sabi ni Steven at hinalikan nito sa kapatid sa noo.
"Kuya pumunta na kami ni Rod kanina. Sinamahan niya ako." mahinang sabi ni Ella.
Napatiimbagang si Steven. Iba talaga ang lalaking iyon. Hindi niya puwede pagalitan si Ella dahil mas alam ni Rod ang ginagawa nito. Gusto pa niya pagsabihan ang kapatid pero ayaw niyang lumayo ang loob nito sa kanya.
"Pupunta tayo uli. Dapat alam ni Kuya kung anong puwede gawin diyan sa katawan mo." diin na sabi ni Steven.
"Sige." sabi ni Ella. Niyakap nito si Steven parang nawala ang isa sa mabigat sa dibdib niya.
"I love you Kuya. Huwag ka na magagalit sa akin." sabi ni Ella dito.
"Basta susundin mo si Kuya." sagot ni Steven. Na hindi niya narinig ang sagot ni Ella. Lalo siya nagalit para kay Rod. Kailangan mawala si Rod sa buhay ng kapatid, masisira ang buhay ni Ella ng dahil dito. Mula ng dumating ito sa buhay ng kapatid niya laging nasa gulo si Ella.
Mula sa labas bumukas ang pinto at nakatingin sa kanila ang mga taong nag aabang.
"May pupuntahan lang kami ni Ella. Matulog na kayo Marie." sabi ni Steven. Inakbayan nito si Ella at tiningnan si Eric.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...