(Just click theme song for this chapter)
Mula sa canteen hinila siya ni Rod hanggang parking lot.
"Sakay." sabi ni Rod kay Ella na humihingal pa sa ginawa nilang pagtakbo.
"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Ella ng makitang binuksan ni Rod ang kotse nito.
"Kakain lang tayo. Hindi ka pa kumakain at hindi tayo puwede sa canteen naroroon na ang kuya mo." sabi ni Rod at iginiya si Ella pasakay ng kotse.
"Malalate ako sa susunod kong subject." sabi ni Ella mag-aala-una na ng hapon. Ala una y media ang susunod niyang klase.
"Bibilisan lang natin." sabi ni Rod at sumakay na ito ng sasakayan.
"Baka malaman ni Kuya Steven na kasama kita, hahanapin ako noon kay Marie." nag-aalalang sabi ni Ella.
Tiningnan ni Rod si Ella, hanggang ngayon nagsisisi siya kung bakit niya nagawang paluhurin si Ella.
"I'm very sorry." sabi ni Rod at niyakap nitong mahigpit si Ella.
"Okay lang. pero pabalikin mo na ako sa canteen." sabi ni Ella pagnagkataon may magsumbong sa kuya niya lagot na naman siya.
"Hindi ka naman hahayaan ni Marie." nakangising sabi ni Rod at pinaandar nito ang sasakyan.
..................
"Bakit dito?" tanong ni Ella ng sa isang magandang restaurant siya dinala ni Rod.
"Hindi pa tayo nagda-date. So ito ang first date natin. Rush nga lang." nakangiting sabi ni Rod tinawag nito ang waiter at umorder.
"Kahit sa karinderia okay lang naman sa akin." nahihiyang sabi ni Ella.
Nasa Franxie Cuisine Restaurant sila, isang mamahaling restaurant sa lugar nila. Nadala na siya ni Rod dito noong interbyuhin nila ni Patty ito at si Dennis. Ang kaibahan nga lang nasa private room sila kung saan sila lang dalawa. Hindi biro ang halaga pag nasa pribadong kuwarto kayo kakain. Bukod sa may sarili kayong waiter may sarili pang performer singer ang bawat kuwarto.
Mabilis lang ang ginawang pag handa ng order nila Ella, paglapag ng order kumanta ang singer kasabay ng pagtipa ng piano.
"Lunch date sweetheart." nakangiting sabi ni Rod.
Tiningnan ni Ella si Rod mula sa pagiging marahas kanina nito nagmukha ito ngayong anghel sa harapan niya.
"Huwag mo akong tingnan. Baka ma-misintrepret ko ang tingin mo at isiping galit ka pa sa akin." sabi ni Rod ng mabasa ang nasa mga mata ni Ella na parang naguguluhan ito sa ikinikilos niya.
"Hindi na ako galit sayo." nakangiting sabi ni Ella.
"Bilisan na natin kumain. Kasi tuluyan kang malalate sa klase mo." birong sabi ni Rod at sinubuan nito si Ella.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...