Kabanata 79

310 22 9
                                    


Hindi pa nakakababa ang tatlo sa motor ng dumaan sa harap nila ang motor ni Dennis.

"Ang bilis yata nila." nagtatakang sabi ni Rod. Bumaba ito at inalalayan si Ella makababa ng motor. Pagbaba ng dalaga pinuntuhan nito agad si Marie na lumagpas sa kanila.

"Marie, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ella.

"Ako pa?" pilyang sabi ni Marie tumingin ito sa paligid at namangha sa nakita. Nauna pa itong pumasok sa bahay ni Rod ng makita ang pinto nito.

"Anong nangyari para kang nakipagkarera ka?" nakangising sabi ni Ramon alam niyang may ginawa na naman kay Dennis ang batang iyon. Pinagpapawisan pa si Dennis ng alisin nito ang helmet.

"Langyang babae iyon , muntik hawakan ang sandata ko." naiiling na sabi ni Dennis.

"Ayaw mo nun, mababayaran na iyong utang niya." natatawang sabi ni Ramon dito.

"Amazona, anak yata ni Tarzan ang babaeng iyan." asar na sabi Dennis. Muntik pa sila mabangga kanina sa ginawa niyang pagpapatakbo hindi pa nakuntento si Marie kanina nakuha pa siya kagatin nito uli sa likod habang tumatakbo sila ng mabilis.

Binalingan ni Dennis si Rod na nakikipag-usap sa delivery food service. Papasok na sila ni Ramon ng makita nilang nakahiga sa billiard table si Marie.

"Umalis ka nga diyan. Maglalaro muna kami." inis na sabi ni Dennis kay Marie. Mukha itong bata nakalaylay pa ang mga paa nito sa billiard table.

"Marunong ako nito. Laro tayo. Pag nanalo ako bigyan mo ako ng isang libo." nakangising sabi ni Marie tumingin ito kay Ella na nakaupo sa sofa na naiiling sa kanya.

"Ayoko makipaglaro sayo." wala sa mood na sabi ni Dennis, naisip niyang iwasan muna si Marie.

"Di huwag, pero hindi ako aalis dito." sabi ni Marie at nakuha pa nitong gumapang na parang uod sa mesa at tuluyang inihiga ang buong katawan doon.

"Umayos ka, ang iksi ng uniform mo. Nakikitaan ka na." inis na sabi ni Dennis. Naka cycling naman si Marie kaso maiksi pa rin, sabayan na lumilihis ang blouse nito na parang wala itong pakialam.

"Okay lang iyan. Hindi naman nila mahahawakan. Tingin-tingin lang." sabi ni Marie at tumingin ito sa kisame.

"Kahit na, tingnan mo iyong katawan mo, tapos ang dumi mo pa. Hindi ka ba naiilang?" sabi ni Dennis parang walang pakialam ang kausap puro pa ito tinta sa damit idagdag pa na humiga ito sa semento kanina.

" Sabi nga sa mall puwede tingnan, huwag lang hawakan. Dahil basag mo bayad mo" natatawang sabi ni Marie.

Tiningnan ni Dennis si Marie mukha na nga itong gutom nakuha pa nitong tumawa na parang may iniisip. Mukha pa itong mas manyak sa kanya.

"Tumayo ka na nga diyan. Walang tingin-tingin lang, pag rapist na ang nakakita sayo." asar na sabi ni Dennis. Umupo na siya sa billiard table ng parang walang balak umalis si Marie.

"Hindi nakakabuntis ang tingin. Pero pag hinawakan ka tadyakan mo." sabi nito.

"Ewan ko sayo." pagod na sabi ni Dennis. Alam niyang hindi siya mananalo sa pakikipag-usap sa babae. Tumayo siya at sinamahan si Ramon sa mini bar na umiinom na. Nilingon pa niya si Marie na wala talagang balak umalis sa mesa.

Inihiga ni Ella ang kalahating katawan sa sofa. Tinitingnan niya sa Marie ayaw niyang ialis ang mata sa kaibigan at baka may gawin si Dennis dito.

"Parating na iyong pagkain sandali na lang." seryosong sabi ni Rod. Kanina pa niya tinitingnan si Ella na hindi nilulubayan ng tingin si Marie alam niyang nag-aalala ito pag kasama nito si Dennis

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon