Naalimpungatan si Rod sa ingay ng cellphone na nasa tabi ng kama niya. Halos alas sais pa lang ng umaga at Linggo ngayon. May hang over pa siya dahil nag inuman sila ni Dennis kagabi. Halos hindi na tumigil ang ingay kung kanino mang cellphone na walang habas tumunog.
Sasagutin pa lang niya ang cellphone ng magsalita ang nasa kabilang linya…
“Hello, Ella. Sorry hindi ako nakapunta sa concert ni LJ. May pinagawa kasi sila tatay sa bukid gabi na rin kami nakarating. Babawi ako sayo babe mamaya. Promise,”malambing na sabi ng nasa kabilang linya.
Napabalikwas ng bangon si Rod sa narinig at halos mawala ang hang over nito.
“Who the fucking devil is this?” galit na sabi ni Rod na halos sigawan ang kausap.
“And who the hell are you?” nabiglang sabi ng nasa kabilang linya.
“Damn it, this is my phone. “ galit pa ring sabi ni Rod dito.
“By the way man, this number I’m calling is belong to Ella’s phone. So sino ka bakit nasa sayo ang number ni Ella,” galit na sabi ng nasa kabilang linya.
Mukha nabuhusan ng malamig na tubig si Rod sa narinig. Tiningnan niya ang cellphone na hawak at napamura.
“Damn it,” bulong ni Rod pero narinig ng nasa kabilang linya.
“Hoy gago. Bakit na sayo ang cellphone ni Ella. Kaya pala hindi siya nagtetext or missed call man lang.” halatang galit galit na ang nasa kabilang linya.
Magsasalita pa sana ang nasa kabilang linya ng putulin na ni Rod ang linya nito.
“Fuck, sinong gagong iyon,” asar na sabi ni Rod at humiga uli sa kama habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya.
Halos ilang Linggo na rin nasa kanya ang cellphone na iyon ni Ella. Mukha naman, hindi pa alam ng mga kakilala nito na nawawala ang cellphone ng dalaga.
Sa tingin niya hindi pa ipinapaalam ng dalaga ang pagkawala ng cellphone nito sa mga kakilala at walang talaga itong balak sabihin. Sa dami kasi ng tumatawag at nag tetext pa rin sa cellphone ng dalaga. At ito ngang huli ang lalaking kausap niya.
Dahil wala naman pin code ang cellphone ni Ella madali niya itong nabuksan. Naopen pa nga niya sa unang araw nito ang facebook account ni Ella. At nakita niya ang mga litrato ng dalaga noong maliit pa ito, mga litrato ng pamilya, mga kaibigan nito, pero isa lang ang talagang napansin ni Rod. Ang lalaking nakaakbay at nakatitig kay Ella. Malamang ay sa graduation iyon kinuhanan dahil nakatoga pa si Ella.
Nalaman niya na bukod kay Eric may isa pang lalaking malapit sa dalaga. Palagi ngang may nagtetext sa cellphone ng dalaga.
Babe lang ang nakalagay na pangalan. Binabasa ni Rod ang mga mensahe nito na palaging nangangamusta at hinahanap si Ella o itinatanong kung ano ang ginagawa at nasaan ito.
Hindi niya gusto si Ella, pero naaasar siya pag may lumalapit dito. Tulad ngayon naaasar siya sa lalaking tumawag kani kanina lang.
“Sino kaya ang lokong iyon,?” asar na tanong ni Rod sa sarili. Nawala ng tuluyan ang antok nito.
...
Sa Bahay ng pamilyang Tuazon….Nagpupunas ng mga tokador si Aling Lilian nang may kumatok sa pinto. Nabungaran nito si Lance at pinapasok…
“Ella, bumaba ka diyan andito si Lance.”pasigaw na sabi ng nanay ni Ella.
“Huwag na po kaya Tita, baka natutulog pa si Ella,” sagot ng binata.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantiekAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...